Followers

Friday, July 11, 2014

My Wattpad Pamangkin 38

Alam ko nagkaroon na ng communication sina Zillion at Gelay simula nang book signing event ng huli. Sigurado din akong hindi pa uli sila nagkita pagkatapos niyon. 

Kahapon, Sabado, nasa dining table kami, nagsalita si Zillion. Dad, out-of-town po tayo bukas.

Ask your Mom.. sagot ko. I know, he wants to purport something.

Mom? Pwede po ba?

Ask your Dad. He's our driver.. Natawa ang asawa ko. Naguluhan naman si Zillion.

O, sige na nga. Saan mo gusto?

Somewhere po na pwedeng makadaan kay Gelay.. He gave us a cute smile.

Tama ako. Gusto niya lang talagang pumunta kay Gelay. Galing dumiskarte ng anak ko, naisip ko. Sige!

Maaga pa, nakahanda na kami. Nagluto na kami ni Maila ng dalawang putahe ng ulam at nagprito ng bacon, hotdog at ham. Inihanda na rin namin ang sliced bread, fruits, juice drinks at mga disposables.

Alas-sais, nasa biyahe na kami. Alas-siyete y medya, nasa tapat na kami ng bahay ni Gelay. Nakita kong maaliwalas ang mukha ni Zillion. 

Maya-maya pa, kaharap na namin ang Daddy ni Angela. Tulog pa daw ang anak niya kaya pinapasok muna kami. Nag-usap naman kami ng Daddy ni Gelay. Magkausap naman ang dalawang mommies.

Bente minutos ang lumipas, isang anghel ang lumabas sa bahay. Si Angela! Pare-pareho kaming tatlo, na napalingon sa kanya. Sobrang ganda ng batang ito ngayon! Naging bato yata ang anak ko, lalo pa nang ngumiti ito sa amin. 

Good morning, everyone! bati pa ni Gelay habang lumalapit sa amin. 


Lahat kami ay nag-good morning din sa kanya.  Tapos, tumabi siya kay Zillion. Nag-usap sila. Hinayaan namin silang magkumustahan. 

No comments:

Post a Comment

Bato Serye -- Ep. 11

 Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento.   Bihira lang naman ang suisek...