Followers

Wednesday, July 9, 2014

Hijo de Puta: Trese

Isang taon na halos akong ka-table ni Madam Luna. Kung hindi ako nagkakamali, this is the thirteenth time na iti-table niya ako. 

"Kumusta ka, Madam Luna?" bati ko. Kiniss ko siya sa pisngi. 

"I'm fine, Mr.Hardlong! How about you? I was here last night.."

"Yes, according to Mama Sam.. Sorry, I asked for a leave. I'm supposed to be on leave till Friday.."

"Good thing, you're here..because I need you now.." She touched my chest. 

Pumintig ang puso ko. Ngayon niya lang ako hinawakan sa katawan ko. Nahiya ako at naalangan. Napansin niya.

"Ah.. waiter.." Tinawag niya ang waiter namin na nakahubad-baro at nakapantalon na fit. Trainee pa lang siya. "Anong order mo, Hector?

"Light lang po.. I mean, Madam Luna.."

"Light for him. One bucket. Give me margarita, please.."

"Ah..Madam.." Gusto kong umapela. Hindi ako iinom ng ganun kadami.

"Akong bahala.. You're paid now. I doubled my pay."

Para akong nainsulto pero wala akong karapatang tumanggi. Isa lang akong bayarang lalaki kaya kailangang kong tanggapin ang gusto ng customer. Gayunpaman, alam ni Madam Luna ang limitasyon ko. No penetration. Sana hindi niya iyon nalilimutan.

Gaya ng dati, nagkuwentuhan lang kami habang umiinom. Ngayon lang niya ako inorderan ng isang bucket na beer. Although light, hindi ako sanay ng marami. Gigiling pa uli ako mamaya para kumita ng malaki.

Masarap kausap si Madam Luna. Madalas niyang ikuwento ang impotent niyang asawa. Madalas niya akong mapatawa dahil dun.

Kahit 53 years old na siya, hindi siya mapagkakamalang 53. Para lang siyang 40 years old.

Naubos ko na ang limang bote ng beer. May isa pa ako. Pero, nahihilo na ako. Nararamdaman ko naman ang kamay ni Madam Luna na nasa malapit sa ahas ko. Pinatitigas niya sa pamamagitan ng paghimas-himas sa binti ko. Hindi ako tumanggi. First time niyang gawin iyon sa akin.

Gusto kong bawiin ang limitasyon ko nung oras na iyon. Sa tingin ko, si Lianne ang ka-table ko. Gusto ko na siyang halikan.

Napaigtad ako nang maipasok na ni Madam ang kamay niya sa boxer ko. 


No comments:

Post a Comment

Bato Serye -- Ep. 11

 Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento.   Bihira lang naman ang suisek...