Followers
Tuesday, July 8, 2014
Red Diary 55: Partido at Plataporma
Nabuo ko ang line-up ng partido ko, bago mag-alas-singko ng hapon. Nahirapan akong maghanap ng first year representative. Mga bagong salta kasi sila sa school, kaya ‘di ko pa sila kilala at hindi rin nila ako kilala. Isang mahabang pakilalahan at paliwanagan pa, bago ko naihayag ang pakay ko. Sa limang Grade 7 students na nakausap at inengganyo ko, ang panglima ang pumayag.
Sa sobrang busy ko maghapon, hindi na ako naka-attend sa mga klase ko. Although, nag-e-excuse ako sa bawat teacher ko, hindi pa rin ako kampante kasi baka marami akong na-miss na quizzes. Sabagay, hindi ko rin nakita sa classroom si Riz. Nagkasalubong kami once sa pasilyo, kasama niya si Roma. Nag-hello lang kami. Mas pinansin pa nga ako ni Romeo.
Nasa kuwarto ko ako ngayon, nagsusulat nito, habang nag-iisip ng plataporma para sabihin ko sa room-to-room campaign at sa "miting de abanse" sa Friday.
Nai-file ko na kanina ang partido at line-up namin. Kami ang Leaders of Hope (LH). Nagustuhan naman ng mga members ko ang party namin. Simple lang daw. Nasa HOPE na rin daw ang mga plataporma namin, sabi pa ng vice-president ko.
Naisip ko ngayon lang, na tama nga siya. Bakit ‘di ko pag-isipan ang HOPE ng acronyms?
Nagkape lang ako para ‘di ako antukin. Di bale nang mapuyat, ang mahalaga, may mai-present ako sa mga kasamahan ko bukas. Kailangan ko na silang ma-meet lahat, para paghandaan ang campaign.
Alas-diyes y medya na nang mabuo ko ang platform ko. Heto iyon:
H – Help
O - Opinions
P - Priorities
E - Education
Our party will focus on helping and supporting underpriviliged students. We will also seek and accept opinions from the studentry para mas lalong mapaunlad ang aming lidearato, gayundin ang school administration. We will then prioritize students' welfare and development by encouraging them to join and partake in school programs and projects. And, education must be put to the high pedestal. We, as leaders, must be their role models. This is why, kinuha ko ang mga members ko na kapareho kong active sa curricular at co-curricular activities.
Hay! Salamat... makakatulog na rin ako.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Bato Serye -- Ep. 11
Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento. Bihira lang naman ang suisek...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment