Followers

Wednesday, July 9, 2014

Red Diary 56: Problema

Kanina, maagang-maaga akong pumasok. Nauna pa yata ako sa guard. Sobrang excited kasi ako sa pagtakbo ko bilang presidente. Kailangan kong makausap ang mga kapartido ko, bago magsimula ang klase. Konti pa lang ang mga narooon. Pero, natext ko na sila. Mamayang hapon pa naman ang scheduled meeting namin. Gusto ko lang silang makita para maging at ease kami sa isa't isa. Nakita ko nga ang first year representative ko. Nagkuwentuhan kami. Nakilala ko siya nang kaunti. Sabi naman niya, kilala raw ako ng kapatid niya na grumadweyt na. Habang magkausap kami ni Rep. Timmy Salabon, nag-ring ang cellphone ko. Si Dindee pala, tumatawag. Hindi ko pinindot. Ayokong masira ang conversation ko with Timmy. Masarap naman siyang kausap, kaya nag-e-enjoy ako. Kaya lang, nag-ring uli. Sa pangatlong ring, saka ko lamang siya kinausap. Nakakagulat ang desisyon niya. Maglalayas daw siya. Nasa biyahe na siya, papuntang Manila. Wala siyang tutuluyan kaya sa amin niya gustong lumagi, hanggang ‘di pa siya nakakahanap ng matitirhan. Problema 'to! Wala naman akong nagawa para pigilan siya. Nasa biyahe na pala siya. Hindi ko rin masisisi kong nakuha niya ang address namin sa bahay. Dumiskarte siya para lang makatakas sa Mommy niya. Grabe ang lakas ng loob niya! Bilib ako sa tapang ng loob. Hindi na natakot dito sa Manila. The fact na first time niyang makakarating, babae pa siya. Tsk tsk. Nawala ako sa concentration sa klase. Pinipilit ko nga sanang maging active sa recitation at class participation kahit ang SSG election ang laman ng utak ko. Pero, pagkatapos ng tawag niya, mas nawala ako sa sarili ko. Apektado ako. Hindi ako puwedeng maging kampante dahil isang malaking problema ang kahaharapin ko at ni Daddy sa pagtira niya sa amin. Kailangang malaman ito ni Mommy. Tinext ko siya nang hindi nakatingin ang teacher ko sa English.

No comments:

Post a Comment

Bato Serye -- Ep. 11

 Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento.   Bihira lang naman ang suisek...