Masarap daw ang virgin!
Masarap din ang beer-gin, sabi ko sa kaibigan ko. Niyaya ko siyang uminom. Sagot ko.
Nakatikim kasi ako once. Talagang nagustuhan ko. Kasi parang walang pait. Hindi mo na pareho ma-distinguish ang lasa ng beer at lasa ng gin.
Nahirapan pa akong mamilit sa kaibigan ko. Parang virgin pa sa alak. Noon pa lang daw siya makakatikim kaya ayaw niya. Gago!, sabi ko. Kaya nga ipapatikim ko sa'yo para malaman mo. Sabi ko pa, kung hindi mo gusto, e di iluwa mo. Ako na lang ang iinom.
Walang problema sa lasa, sumagot pa ang mokong. Nagtapang-tapangan.
Eh, ano?, kako.
'Yung budget daw namin. Oo nga naman. Tambay lang kami kasi. Minsan lang magkapera, iinom pa. Pwede naman daw beer lang. O kaya gin lang. Kung gusto daw naming malasing, wag ng beer-gin.
Akong bahala! Ang yabang kong sagot! Diskarte ko 'to.
Sa madaling sabi, napapayag ko siya. Bumili ako ng isang grande---Pulang Kabayo. At isang Bilog Ang Mundo. Hindi ko nakalimutan ang pulutan.
Ano ang pulutan ang nabili ko?
MALI!
Dalawang SNOW BEAR ang binili ko!! Ang mahal nun! Dalawang piso na lang kasi ang sukli sa pera ko.
Natatawa nga kaming pareho habang binubuhos ko ang beer at gin sa pitsel. Hanep kasi sa pulutan! Laway lang ang katapat!
Pero, mas natawa ako sa reaksyon ng kaibigan ko nang tunggain niya ang unang shot niya. Halos maghiwalay ang mga labi niya sa pagkakangiwi. Parang na-STROKE!
Tapos, inasar at tinawanan ko pa. "Sabi ko sa'yo, e. MASARAP di ba?!"
Hindi naman pala talaga masarap ang beer-gin. Hindi ko lang pinahalata na nagsisisi ako. Hindi ko lang ipinakita kung paano ako halos masuka sa pag-inom ng tagay ko.
Bakit kaya nag-iba ang lasa? Tama naman ang brand na binili ko. Tang-ina!! Naloko ako.. Masarap daw ang beer-gin. Putik!! E, sana uminom na lang ako ng muriatic acid! Sobrang pait talaga..
Dalawang oras nga kaming nagkuwentuhan at nagtawanan. Pinilit naming maubos kasi sayang. MAGTAPON KA NA LANG DAW NG BIGAS, HUWAG LANG NG ALAK! Kaya hindi namin tinapon..
Worst experience!
Hindi pa nakisama ang dalawang "Niyebeng Oso". Naubos kaagad. Kaya, kalahati pa ang mixed beer-gin namin ay wala na kaming pulutan.. Kulang na lang magpulutan kami ng asukal.
Hindi na kami makatawa...
Lesson learned: HUWAG SNOW BEAR ANG PULUTANIN.
No comments:
Post a Comment