Imbes na maasar ako sa ingay na dulot ng dalawang lasing na nagtatalo sa kalagitnaan ng masarap ko sanang tulog ay natawa pa ako.
Lasing 1: Pare, ano bang ang ibig sabihin ng delicacy?
Lasing 2: Pagkain iyan, pare!
Lasing 1: Ah.. Magbigay ka nga ng halimbawa..
Lasing 2: Pare, aso!
Lasing 1: %#2*7"#, pare. Ginagago mo ako! Sabi mo pagkain!
Lasing 2: Oo nga! Aso nga..
Lasing 1: Aso? Paanong naging delicacy yun? Delikado yata ang pagkaintindi mo eh..
Lasing 2: Hindi, Pare. Delicacy talaga sa ibang lugar ang aso..
Lasing: Put__! Niloloko mo ako, e. Ang laks mo makagago! Nasobrahan ka na sa talino.
Naging bugok ka na!
Lasing 2: Hindi..par..
Lasing 1: Tarantado ka! Wag ka ng magpapakita sa akin. Ibabaranggay kita! Akala mo sa
akin. Bobo?
#######
LOLs!
Naglabasan ang mga tao.. Nagtatawanan! Pati Brgy. Captain ay nakikiasar. Sabi ni Kap: "oo nga naman, hindi nga naman delicacy ang aso!!
Andami kong tawa.. Di na tuloy ako nakatulog..
Lesson learned: HUWAG MAKIKINIG SA USAPANG-LASING PARA DI MA-INSOMIA.
No comments:
Post a Comment