Followers

Friday, July 11, 2014

Red Diary 66: Manhid

Manhid ka, Red! Manhid ka. Paulit-ulit kong naririnig 'yan, habang nakahiga ako. Alas-dos na ng umaga. Himbing na himbing na si Daddy. Hindi niya namalayan ang mga nangyari sa amin kanina ni Dindee. Salamat naman… Pinipilit kong iwaksi sa isipan ko, kung paano ako nadala sa halik ni Dindee, pero ‘di ko kaya. Siya ang unang babae, maliban sa aking ina ang humalik sa akin. Siya. Paano ko makakalimutan ang mga maiinit niyang labi? Gayong siya ang unang nagdampi ng kanyang mga labi ng pagmamahal sa mga inosente kong mga labi. Ganun pala ang unang halik. Masarap. Kakaiba ang pakiramdam. May bagay na gustong kumawala sa aking katawan Pero, ‘di ko maintindihan… Bakit itinulak ko siya at bumitiw sa maaalab na tagpong iyon? Bakit ako umayaw kung nagustuhan ko naman pala? Manhid nga ako. Manhid… Ngayon ko lang nalaman ang kahulugan ng manhid. Akala ko ang manhid ay pakiramdam lang ng taong ‘di nakakaramdam ng sakit at kirot. Manhid din pala ang taong walang reaksyon sa halik at pagmamahal. Ramdam kong mahal ako ni Dindee. Pero, hindi ko alam kung paano ko susuklian ang pag-ibig niya. Hindi siya ang babaeng nagpapapintig ng puso ko. Manhid bang matatawag yun? Oo, nasarapan ako sa dampi ng labi niya. Hinayaan ko siyang gawin iyon sa loob ng isang minuto. Pero, pati ba naman ang buo kong katawan ay gusto na niyang maangkin? Manhid nga ako.. Pero, hindi pa ako handang makipagniig sa kanya.

No comments:

Post a Comment

Bato Serye -- Ep. 11

 Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento.   Bihira lang naman ang suisek...