Followers

Friday, July 11, 2014

Red Diary 70: Botohan

Election ng SSG. Maaga akong bumoto. Maaga ko ring pinaboto ang mga kapartido ko. Tapos, naghintay kami sa bench. Nagkuwentuhan. Nagtawanan. Alas-nuwebe, saka ko lang naalala na may HPTA meeting palang naka-schedule ngayong hapon. Isinabay na sa election para isang abala lang. Ang masama, hindi ko pala nasabihan si Papa. Last week pa iyon in-announce. Sa sobrang busy ko sa pangangampanya ay hindi ko na naalala. Tinext ko kaagad si Daddy. Sinabi kong alas-3. "Absent n aq nung 1 araw, a," reply niya. "Sge na, Dad. Rquired k pong umttend.." "Nxt tym n lng" May smiley pa na :P "Dad nmn e.." Nilagyan ko pa nito: :'( Hindi na nag-reply si Daddy. Hinintay ko ng sampung minuto baka, busy lang. Kaya lang ‘di pa rin nag-text. Kalahating oras na ang lumipas. Nalungkot ako. Ngayon lang yata ako bibiguin ni Daddy, naisip ko. Emo na ako sa bench. Napansin tuloy ako ng mga kapartido ko. Akala nila ay nawalan na ako ng loob. Hindi, sabi ko. Nagbobotohan pa lang naman, e. Hanggang alas-dose lang ang botohan. Ala-una, bibilangin naman ang mga boto. Faculty ang mga magbibilang. Niyaya ko ang grupo ko sa canteen. Doon, naroon din ang kalaban naming partido sa pangunguna ni Riz. Nagkasalubong ang mga mata namin, pagpasok ko pa lang sa kantina. Umiwas siya. Pero, tininingnan ko siya hanggang sa makaupo ako. Ang ganda niya ngayon. Simple. Nakaputi silang lahat, pero umangat siya. Pumintig ang puso ko. Gusto ka na siyang lapitan, regardless of rivalry namin sa presidential slot. Naisip ko tuloy bigla na kung aalukin niya ako, kung ano ang pipiliin ko: siya o ang posisyon. Ang pipiliin ko ay SIYA. Kaya kong isakripisyo ang pangarap kong makapagsilbi sa paaralan at sa mga kaeskuwela, kung ang kapalit naman ay tunay na ligaya. "Pres, anong order mo?" Hindi ko tuloy narinig na tinatanong na ako ng vice ko. Dalawang beses na niya pala akong tinanong. "A... e, isang kanin at adobo." Nagtawanan ang grupo ko. Sabi pa ng isa: "Wala sa sarili si Pres..." Kumain na kami. Maingay ang grupo ng kabila. Samantalang kami, tahimik lang. Tahimik din si Riz at pangiti-ngiti lang. Then, nahuli ko siyang nakatitig sa akin, kaya kinindatan ko siya. Sinimangutan naman niya ako.

No comments:

Post a Comment

Bato Serye -- Ep. 11

 Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento.   Bihira lang naman ang suisek...