"Paano ba ako makakakuha ng malaking points mula sa'yo, Dee?" tanong ko nang nasa sala kami. Wala doon si Daddy kaya malakas ang loob kong makipag-sweet talk sa kanya.
"Simple lang.."
"Gaano ka simple?"
"I-compose mo ako ng kanta."
Hindi ako nakaimik kaagad.."Yun lang ba? Sisiw!"
"Yabang..Sige nga.. pag nagawa mo 'yun..I'll give you 50 points."
Bumilog ang bibig ko. Natuwa ako. Ang laking points pala. Mahirap pakinggan pero bilang marunong sa gitara at marunong akong sumulat ng tula, sisiw lang. Bigyan niya lang ako ng 72-oras para magawa ko iyon. Magiging composer din ako.. Tiwala lang.
Pumasok na si Daddy kaya natigil kami sa pag-uusap. Ako naman, pinag-isipan ko na ng mga salitang gagamitin ko sa lyrics ng kanta ko. Kinuha ko na rin ang gitara ko.
Excited na akong makasulat ng kanta para kay Dindee. Kahit nga nakahiga na ako, chords pa rin at lyrics ang nasa isip ko.
Nag-ring ang cellphone ko, maya-maya. Nagising si Daddy, kaya inalis ko ang sound ng cellphone ko bago ako nag-reply kay Dindee.
"gcinG p po! kaw?" reply ko.
"Same! Y r u stil awaKe?"
"Im thnking of U :)"
"bolerO.. :P"
"Uu nga..! Im thnking of the song 2."
"reallY?"
"Uu"
"at dahiL jan..u got 1 pt!"
"yhey! 4 pts na aq!"
":)) Gudnyt, ReD!"
"GudNyt, DinDeE! tsup!"
"Mwaah!"
Sobrang saya pala ang pakiramdam na makakatangap ka ng point. Para akong nag-aalkansiya. pag napuno ko na, pwede ko nang basagin.. Pero, ako naman, pag naabot ko na ang points, na hindi pa itinakda ni Dindee kung hanggang ilan, sasgutin na niya ako. Conditional, pero, enjoy.
No comments:
Post a Comment