Followers

Wednesday, July 16, 2014

Red Diary 109

Stepmother



Masayang ibinalita ni Daddy na GPTA President siya, nang nakauwi na siya. Tinanggap niya daw ang posisyon dahil sa akin. Kahit paano daw ay may bearing ito sa akin. 

Masaya din ako sa achievement niya. Alam ko, he deserves to be the over-all president ng parents-teachers association. Malaki ang maitutulong ni Daddy sa pagpapaunlad ng school namin. Makakatulong din siya sa SSG. Tandem kami.

Biniro ko nga siya. "Pa-ice cream ka naman, Dad!"

"Yun lang pala, e. No problem. Bili ka na.." Agad siyang nag-abot ng limang daang piso.

"Bilis ah. Hindi man lang ako nahirapang mangumbinsi."

"Siyempre! Pareho na tayong president e."

"Oo nga po.."

"Congrats, Tito!" bati sa kanya ni Dindee, nang lumabas siya mula sa kuwarto.

"Thanks, Dindee! Samahan mo na pala si Red. Bili kayo ng ice cream."

"Naks, naman po. Tara, Red!"

"Tara." sabi ko.

Nang nakabili na kami ng ice cream at nang kumakain na kami, nagsalita si Daddy. "Maganda pala talaga si Ms. Valbuena, ano?" sabi niya sa akin

"Crush mo po?"

"Type ko siya." Tahasang inamin ni Daddy. 

Napangiti kami ni Dindee nang magkatinginan kami. 

"Mukhang mapapadalas ang pagkikita namin.." patuloy ni Dad. "Nag-text nga kanina. Congrats, daw."

Walang hiya! Tinalo pa ako ni Daddy. Uunahan pa yata ako. "Weey!" Biro ko.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at hinanap ang text message. "O, ayan o.."

Binasa ko. Congrats po, Mr. Canales! May smileys pa. 

"Ano pong reply mo, Tito?" Si Dindee naman ang nagtanong.

"Sabi ko, Thanks, Mam! pwede ba kitang maka-date?"

"Boom panes!" sabi ko. "Tindi mo, Dad, ah."

"Date agad?!" si Dindee.

Nagtawanan kami. Loko ang Dad ko. Lakas maka-teenager. Hindi na ako isinaalang-alang. Gusto pa yatang magkaroon ako ng half-kapatid at stepmother. 

No comments:

Post a Comment

Elias Maticas 6

“Lolo Leo!” tawag ni Elias sa lolong pasakay na sa traysikel ng ama.   Napalingon si Lolo Leo, gayundin ang ama ni Elias, si Papay Olive...