Followers
Sunday, July 6, 2014
Red Diary 36: Mc Queen
Panandalian kong nakalimutan si Riz. Namasyal kasi kami ni Daddy sa Toy Museum. Sobrang saya ko kanina, kaya hindi ko naisip ang babaeng mamahalin ko.
Dream come true! Nakita ko na si Lightning Mc Queen, ang favorite cartoon character ko. Hindi nga lang mapaandar ang life-size na racing car, pero worth-it naman ang pasyal namin dahil andami naming pics ni Daddy, kasama ang pinakasikat na kotse sa mundo.
Ewan ko ba! Bakit sa edad kong ito ay nababaliw pa rin ako kay Mc Queen. Siguro dahil bata pa lang ako ay mahilig na ako sa matchbox o toy cars. Tapos, kulay pula pa siya. Tamang-tama, I love red. Mc Queen is red. My name is Red.
Sobrang saya! Bumalik ako sa pagkabata. Salamat kay Daddy dahil sinorpresa niya ako. Akala ko kung saan lang kami pupunta. Kaya pala bumili siya ng t-shirts na Cars. Uniform namin. Astig tuloy.
Sayang… wala si Mommy. Sana tatlo kaming naging masaya.
Di bale na... Ang mahalaga, napasaya ako ni Daddy, para daw maging masigasig ako sa pag-aaral. Gusto raw niyang maging honor student pa ako. Gusto niya ulit umakyat sa entablado. Hindi ako kumibo. Ngumiti lang ako. Ayaw kong mangako. Pero, gusto ko naman ang ideya niya. Sino ba namang mag-aaral ang ayaw ng karangalan? Kaya lang, baka hindi ko na kayang makipagtagisan ng talino. Lalo na ngayong inspirado na akong manligaw. Sabi kasi ng iba, ‘pag may syota na raw, napapabayaan ang pag-aaral.
Di ko alam!
Susubukan ko…
Sabado na ngayon. Isang araw na lang ang bakasyon. Sa Lunes, balik-eskwela na. Excited na rin ako, kahit paano. Ang makita kong muli si Riz ang isa sa mga inaabangan ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Booklet Project: Babasahin
BOOKLET PROJECT 1. Gusto Kong maging Guro Gusto kong maging guro balang araw. Gustong maging nars ni Amanda. Gustong mag...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment