Followers
Sunday, July 6, 2014
Red Diary 35: Seen-Zoned
Ngayon ko lang natapos ang tula ko para kay Riz. Medyo nahirapan ako. Matagal-tagal na rin nang huli akong sumulat ng tula. Nanibago ako ngayon kasi ang tema ay pag-ibig. Dati-rati, kalikasan at musika lang ang tema ng mga tula ko. Ngayon, iba na.
Sana kiligin nito si Riz:
INIIBIG KITA
Iniibig kita, aking sinta
Totoo, maniwala ka sana
Aking puso, ikaw ang laman
Sa umaga, maging gabi man.
Ngiti mo sa isip ko tumitimo
Ang puso ko kalabog ay todo.
O, Riz.. mahal na mahal kita
Hindi si Dindee, ikaw talaga
Hindi kami, hindi naging kami
Sa iyo ako totoong nabighani
Kaya, paniwalaan mo sana ako
Si Red ito, pagmamahal, totoo.
Corny man, pero okay na. Gagawin ko ang lahat, kausapin niya lang ako at muling pagtuunan ng panahon. Gusto kong ibalik ang dati niyang paghanga sa akin upang mas madali ko na siyang maligawan. Hindi na ako magpapakatorpe pa. Hindi ko na rin kailangang ang mga alalay dahil may sarili naman akong isip at diskarte. Siguro ay mas matutuwa si Riz k,apag effort ko talaga ang makikita niya.
Hindi na ako nag-atubili pa. Sinend ko ang tulang ito sa FB niya. PM sent. Naghihintay na lang ako ng violent reaction niya.
Ilang minuto lang, nabasa na niya. Kaya lang, no comment siya. Na-seen-zoned ako. Nakakalungkot. Hindi man lang nagpasalamat o kahit nagalit. Walang reaksyon. Puta! Ano na lang ba ang gagawin ko para mapagsalita o mapag-comment siya?
Pakipot na si Riz. Hindi na siya ang dating Riz…
Bakit kaya hindi na lang niya ako diretsahin. Kung ayaw na niya sa akin, e, ‘di sana sinabi niyang taken na siya. At, ayaw niya ng nililigawan siya dahil mgagalit ang ogag niyang syota. Kaso, hindi niya sinabi iyon. Kung masama lang akong mag-isip, baka inisip ko pang gusto niya lang akong i-two-time.
Bahala siya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Lakad na!
Lakad na! Kung kaya namang lakarin ang lugar na pupuntahan, huwag nang sumakay dahil ang paglalakad ay maraming benepisyo sa kat...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment