Followers

Sunday, July 6, 2014

Red Diary 37: Puyat

Pipikit na lang ako kagabi, nang mag-ring ang cellphone ko. Si Dindee ang tumatawag. Hindi ko sinagot ang una niyang tawag kasi alas-onse na. Pagod na pagod ako kahapon sa pasyal namin ni Daddy. Pero, dahil hindi pala siya nagmi-miss call, kinausap ko siya. Nagkumustahan muna kami. Tapos, naglabas na ng damdamin si Dindee. Miss na miss niya na raw ako. Bakit daw bihira ko siyang i-text? At, nagtatampo pa rin siya sa ‘di ko pagpapaalam sa kanya nang umalis ako sa Aklan. "Sorry" sabi ko. "Biglaan, e." Then, she related that she went to my grandparents’ house and talked to my mom. Kunwari hindi sinabi sa akin ni Mommy, para lang may masabi ako. Ang totoo, gusto ko na siyang mag-good night. Nakita raw niya ang mga posts ko sa Toy Museum. Ang gwapo daw pala ng Daddy ko. Kamukha raw niya ako. Sus! Hindi pa niya sinabing gwapo ako at kamukha ko si Daddy. Ang tindi magparamdam ni Dindee, kahit dis oras na ng gabi. Nagpasalamat pa rin naman ako sa papuri niya. Kaya lang, hindi niya masyadong binigyan ng pansin, kasi agad niyang sinabi na gusto niyang mag-aral sa Manila. Kung hindi raw siya papayagan ng Mommy niya ngayong pasukan, magrerebelde raw siya. Gusto raw niya kasing magkalapit kami at madalas magkita. Tindi! Patay tayo dyan... College na pala siya. First year. Ahead siya ng one year sa akin. Fourth year high school pa lang naman ako. Hindi rin naman magtatagpo ang mga schedules namin. Isa pa, hindi rin kami magka-schoolmates. Bahala nga siya! Pinuyat niya lang ako. Andami-dami pa naming pinagkuwentuhan. Pati nga ang pangarap niya ay sinabi na rin. Halos, makatulog na nga ako sa tagal ng usapan namin.

No comments:

Post a Comment

Booklet Project: Babasahin

  BOOKLET PROJECT   1.       Gusto Kong maging Guro Gusto kong maging guro balang araw. Gustong maging nars ni Amanda. Gustong mag...