Followers

Sunday, July 6, 2014

Red Diary 38: Red

Kararating lang namin ni Daddy. Nag-malling kami. Nag-lunch at nagmeryenda. Tapos, nag-arcade. Hinuli na namin ang pamimili ng school supplies. Pasukan na bukas. Mabuti, may nabili pa ako sa National. Natawa lang kami ni Daddy, habang nasa pilahan para magbayad, kasi napansin ng isang customer ang mga napili ko. Lahat kulay pula. As in, red. Hindi ko sinasadya ‘yun. Pero, dahil favorite ko nga ang red, talagang fascinated ako sa lahat ng bagay na kulay-pula. Gumagamit din naman ako ng ibang kulay. Mas marami nga lang akong gamit na pula. Ang gitara ko ay pula. Pula din ang kulay ng mountain bike ko. Ang mga t-shirt kung pambahay ay karamihan pula. Kung pwede nga lang sanang ang uniform ko ay pula rin. Mabuti na lang at hindi ko magawang papulahin ang mga mata ko para terno. (Adik lang!) Ang pula kasi, para sa akin, ay nakakapagpasaya. Sabi nila, simbolo daw ito ng galit at katapangan. Hindi ito ang kahulugan sa akin. Ito ay simbolo ng kasiyahan. Kaya naman, lagi akong masaya. I don't wear negative thoughts and feelings. Si Daddy nga ay nagugustuhan na rin ang pula. Madalas, red na rin ang binibili niyang gamit at kagamitan. Last December, bumili siya ng red underwear, red rubber shoes at red polo. Siguro, itinadhana na maging Red ang nickname ko dahil paborito ko ang kulay pula. Pero, sana Red talaga ang real name ko... Bakit kasi dinugtungan pa ni Mommy?

No comments:

Post a Comment

Booklet Project: Babasahin

  BOOKLET PROJECT   1.       Gusto Kong maging Guro Gusto kong maging guro balang araw. Gustong maging nars ni Amanda. Gustong mag...