Followers

Sunday, July 6, 2014

Red Diary 39: Artistahin

Pang-umaga ako, kaya alas-singko pa lang ay gising na ako. One jeepney ride lang naman from our house to school, pero kailangan kong maging maaga. Kailangan ko kasing makita at makausap si Riz. Hindi naman ako nabigong makita siya. Nagkita kami sa... sa mata lang. Iniwasan niya ako. Hindi rin siya nakitabi kahit kanino sa mga barkada namin. Mas pinili pa niyang umupo sa harapan ng table ng adviser namin. Dati-rati naman ay sa likod agad kami umuupo. Although, hindi pa naman iyon ang permanent seats namin kasi madalas alphabetical order ang upuan namin. Depende rin naman sa teacher namin. Sana lang hindi masyadong malayo ang agwat ng upuan namin. Sana, sa likod ng upuan niya na lang ako maassign. Pero, impossible. Letter C ang simula ng apelyido ko. Siya naman sa letrang G nagsisimula ang surname. Wala akong nagawa, kundi titigan na lang siya nang titigan. Maganda talaga siya kahit nakatalikod. Lalong gumanda ang buhok niya. Bumagay pa ang highlights niya. Para siyang si Maja Salvador, ‘pag nakatalikod. Pag nakaharap naman ay may hawig sa kanya si Kristine Hermosa. Bagay na bagay kami. Pareho kaming artistahin. (Lols) Tinext ko siya. Sabi ko, sabay kaming mag-recess sa canteen. Treat ko siya. Nakita ko namang binasa niya, pero ipinasok agad niya ang cellphone niya sa bulsa niya. Hindi ako nireplayan. Parusa ba ito o pagsubok lang? Grabe! Ang tindi niyang mandedma. Kung hindi ko lang siya mahal, baka sumuko na ako.

No comments:

Post a Comment

Booklet Project: Babasahin

  BOOKLET PROJECT   1.       Gusto Kong maging Guro Gusto kong maging guro balang araw. Gustong maging nars ni Amanda. Gustong mag...