Followers

Tuesday, July 8, 2014

Red Diary 45: Asar-Talo

Nakakatawa kanina sa Filipino period. Nagdebate kami ni Riz. Mas mahirap daw ang English kaysa sa Filipino. Ang sabi ko naman, mas mahirap ang Filipino. Pinalakpakan ako ng mga kaklase ko pati ng teacher namin pagkatapos kong sabihin ito: "Alam n'yo po kasi, Miss Rizalina Lumagui Grotos, ang Wikang Filipino ay mahirap matutunan ng mga dayuhan, ngunit ang wikang Ingles ay gamay na gamay na nating mga Pilipino. Kaya, huwag mong ipangalandakan na ikaw ay nahihirapang mag-English sapagkat ang isang paslit nga ay nakakapagsalita na o nakakaunawa nito. Ang pagiging mahirap ng Filipino ay isang patunay na ang mga Pilipino ay may mayamang kultura. Huwag po tayong maging mangmang sa sarili nating wika. Sinasabi kong mahirap ang wikang Filipino sapagkat ang karamihan sa atin ay ginagawang sukatan ng katalinuhan ang pagsasalita ng English. Hindi ako mahusay magsalita ng English, ngunit masasabi kong matalino ako, sapagkat nakakapagsalita, nakakapagsulat at nakakaunawa ako sa Wikang Filipino..." "Ano bang ipinaglalaban mo? Ang labo mo, Mr. Redondo Imburnales Canales!" sabad niya. Nagtawanan ang buong klase. Nakikinig lang si Ma'am. Natutuwa siya. "Ganito na lang... Kung madali sa'yoang Filipino, ano sa wikang Filipino ang calculator? "Talapindutan!" mabilis na sagot ni Riz. "E, ang I love you?" Nagtilian ang mga girls. Tapos, pulang-pula si Riz na umupo. Umupo na rin ako at bot-tenga ang ngiti, habang tahimik na yumuyugyog ang balikat sa katatawa. "Mahal kita, Red!" sigaw naman ng mga lalaki. Naisahan ko siya. "O, siya... tama na 'yan.. Kayo talagang mga bata kayo." Pumagitna na si Ma'am Santos, nakita kong gusto rin niyang kiligin. Pinipigilan lang niya. Kaya nang lumabas si Ma'am, tiningnan ako nang masama ni Riz. Umirap pa siya. Asar-talo...

No comments:

Post a Comment

Booklet Project: Babasahin

  BOOKLET PROJECT   1.       Gusto Kong maging Guro Gusto kong maging guro balang araw. Gustong maging nars ni Amanda. Gustong mag...