Followers
Tuesday, July 8, 2014
Red Diary 46: Rizalina
Ang ganda ng mga pangyayari ngayong araw sa school. Una, napuri ako ng teacher ko sa Physics. Ang galing ko raw. Tapos, naka-perfect ako sa quiz sa Math. Ayos na! Nanumbalik na ang dating ako. Hindi siguro ako mabibigo ngayong school year. Hindi ako mapapahiya sa Daddy ko.
Unti-unti ko nang naibabalik ang dati kong sigasig at sigla sa pag-aaral. Ang pagiging aktibo ko sa class participation ay mas tumindi pa. Marami nga ang nakakapansin. Sabi pa nga ng katabi ko, "Red, inspired ka, a. Sinong lucky girl?"
Si Riz. Pero hindi ko siya sinagot. Nginitian ko na lang siya. Hindi ko rin masabing siya ang lucky girl ko dahil hindi naman siya ang tipo ko. Tapos, nginuso pa niya si Riz. Kinilig pa.
Ewan ko sa kanya! Ang tindi ng pakiramdam niya. Hindi ko na lang pinansin, baka kung makita pa kami ni Riz, magselos pa.
Hindi ko talaga, lubos maisip ang mga pangyayari sa araw na ito. Sa lawak naman ng pasilyo ay kung bakit pagliko ko mula sa CR ay bigla namang sumulpot si Riz. Sa gulat niya ay nagkandalaglagan ang mga gamit niya.
"Sorry..." sabi ko.
"Sorry? Bakit 'di mo pulutin ang mga libro ko?"
Pinulot ko naman agad at inabot ko sa kanya. Ayaw naman niya agad tanggapin. Tiningnan niya muna ako ---mula mukha hanggang paa.
"O... kunin mo na." sabi ko uli.
"Ayoko! Ganyan ba ang apologetic?"
"Paano ba dapat?"
"Aba, malay ko! Dapat alam mo 'yan, dahil lalaki ka.."
"E, hindi ko nga alam, e.z."
"Alamin mo..."
"Andami mo namang arte... Kunin mo na kasi." Medyo nainis na ako.
"Ang yabang mo na ngayon, Redondo! Hindi na kita maarok..."
OH! Tinawag na naman niya akong Redondo. Asar-talo ako dun... Kaya, gumanti ako. Tinawag ko siyang Rizalina. Mas naasar siya dahil inulit ko pa. Dinagdagan ko ng Jose.
RIZALINA JOSE!
Hinablot niya ang mga libro niya at mabilis na umalis. "Ang yabang mo, Redondo! Bukas naman iyang zipper mo. Eww!"
Akala ko, naasar ko siya. Ako pala ang talo. Namula ako sa hiya kasi maraming nakakita... Grrr.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Buwaya sa Gobyerno
Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
Bakit kapag nagkakamali ng bigkas ang ating kapwa, pinagtatawanan natin? Bakit kapag mali-mali ang Ingles nila, kinukutya natin? Big deal ba...
No comments:
Post a Comment