Followers

Tuesday, July 8, 2014

Red Diary 47: Artista

Yahoo! Kinakausap na ako ni Riz. Kaya lang, lagi siyang mataray at masungit. Kanina nga, grinupo kami sa Filipino. Magdudula-dulaan kami. Ako ang piniling leader ng mga kagrupo namin. Assistant ko lang siya. Habang nagsasalita ako, hindi siya nakatingin sa akin, pero alam kong nakikinig siya. "Riz, ang role mo ay matandang pulubi..." Hindi narinig ni Riz, kaya inulit ko. "Riz, ang role mo ay matandang pulubi... Hoy, Riz! "Opo! Narinig ko po. Hindi po ako bingi, Red!" Wow! Tama ba ang narinig ko? Naisip ko. Hindi niya ako tinawag sa mahaba kong pangalan. Okay na 'yun, kahit mataray siya. "Akala ko... ayaw mo ng role mo, e." "Sino bang nagsabi sa'yo na gusto ko ang role ko?" Masungit pa rin. Lalo siyang gumanda sa tingin ko. Habang iniirapan niya ako, lalo naman akong nai-in-love sa kanya. "Wala po. Akala ko kasi... baka gusto mong maging partner ko." Nginitian ko siya. Ipinakita ko pa ang biloy ko sa pisngi. Tapos, narinig ko ang 'Uuy!' ng mga groupmates namin. "Kapal mo! Feeler... " Asar-talo na siya. Bigla kasing nag-walk-out. Nagtawanan kami. Hindi ako na-guilty. Alam ko, okay lang 'yun sa kanya. Hindi ko na rin siya hinabol at ipinahabol. Nagpalit na lang ako ng tauhan. Iba na lang ang binigyan ko ng role niya. Nagseryoso na kami sa pag-rehearse kahit nakulangan kami ng isa. Gayunpaman, nakaisip uli ako ng pang-asar sa kanya. Kailangan galingan ko ang papel ko bilang isang binata na may mabuting-loob na tumutulong sa mga pulubi. Ang babaeng kapareha ko ay pinangalanan kung Riza. Sounds like Riz. Magiging kakilig-kilig ang eksena namin ni Riza. Kaya, malamang... tataas na naman ang mga kilay ni Riz at 'di na naman maipinta ang kanyang mukha. Bukas namin ipi-present ang dula. Ginabi na nga ako ng uwi para lang mapaganda ang aming presentasyon. Bago kami umuwi, sinigurado kong pulido ang lahat ng aming mga galaw at sasabihin. Nakakapagod, pero enjoy. Na-realize ko na may talent din pala ako sa pag-arte. Hmmm. Mag-artista kaya ako?

No comments:

Post a Comment

Booklet Project: Babasahin

  BOOKLET PROJECT   1.       Gusto Kong maging Guro Gusto kong maging guro balang araw. Gustong maging nars ni Amanda. Gustong mag...