Followers
Tuesday, July 8, 2014
Red Diary 48: Tulay
Kilig na kilig kanina ang mga kaklase ko, pati si Mam Santos sa dula-dulaan ng grupo ko.
Ang ganda ng comment ni Mam. Sabi niya, "Muntik na akong ma-carried away. Mahusay ang acting niyo. Para akong nanuod ng totoong stage play. May future kayo, lalo na si Canales." Nagpalakpakan kaming mga napuri, gayundin ang halos lahat naming kaklase, maliban kay Riz. Hindi kasi siya nagperform.
Personal akong nagsalamat kay Mam nang ipinasa ko ang listahan ng grupo ko.
"O, bakit nandito si Rizalina? Hindi naman siya nag-perform?" Ang talas ng memorya ni Mam. Ang talas din ng paningin. Napansin niya pa 'yun?!
"Kasi po, Mam, si Riza po... si Riz po ang sumulat ng script. Di ba, groupmates?" palusot ko. Mabuti na lang umoo lahat ng mga members ko.
"Okay!"
Nakalusot kami. Kaya, nang nag-recess, pinaabutan ako ni Rizalina ng softdrink at sandwich, habang nagbabasa ako ng Wattpad book sa ilalim ng puno ng mangga.
"Thank you, kamo! Ano 'to, peace offering?" biro ko sa baklang katabi niya sa upuan.
"Whatever! Siguro... Sabi niya kasi, salamat daw kasi nilista mo s'ya kahit 'di siya nag-perform. Sinabi mo pang siya ang gumawa ng script, e 'kaw naman pala ang gumawa. Mga liars kayo. Susumbong ko kayo kay Mam!" Tumalikod na ang beki.
"Hoy, bakla! Bumalik ka dito. May ibibigay ako sa'yo.."
Biglang bumalik ang bakla. Nakangisi. Alam ko namang 'di niya magagawa 'yun sa'kin dahil may pagnanasa siya sa akin.
"Talaga, Red? Ano naman 'yun?" Walang-hiya, humilahid pa sa katawan ko.
"Tumigil ka nga! Baka makita ka ni Riz!"
"To naman, akala ko bibigay mo na sa'kin ang matagal ko nang hinahangad..." akma pang hahawakan ang manoy ko. Buwisit!
"Oo! Pero, hindi ngayon... at hindi dito. Basta, tumahimik ka lang! Sungalngalin ko 'yang bunganga mo 'pag nagsalita ka! Joke lang... Basta lang, may premyo ka sa'kin... Bahala ka na kay Riz."
''Hmp! Mga buwisit kayo! Gagawin n'yo pa akong tulay! Paano kung mahulog ka sa akin?" Tumawa muna siya at umalis na.
Ambisyosong bakla. Uunahan pa si Riz.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Booklet Project: Babasahin
BOOKLET PROJECT 1. Gusto Kong maging Guro Gusto kong maging guro balang araw. Gustong maging nars ni Amanda. Gustong mag...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment