Followers

Tuesday, July 8, 2014

Red Diary 49: Hindi Pa Bati

Nakaraos din ako sa first week ng school year. Andami kaagad ang mga nangyari. May mga nakilalang bagong kaklase. May mga naging bagong guro. Napasabak agad ako sa debate, sa recitation, sa quiz at drama. Dinedma ako ni Riz. Pero, in the end, thankful pa siya sa akin. Kinain niya rin ang pride niya. Ang pahatiran ka ng meryenda na hindi mo naman ni-request ay malaking senyales na ng pagpapakumbaba. Grade conscious si Riz, noon pa. Alam ko, malaking tulong ang ginawa kong pagsama sa kanya sa listahan ng mga nag-perform kanina. Nagsinungaling ako para lang may grade siya. Siguro naman ay papansinin na niya ako. Hindi ko na siya nakasabay palabas ng gate kanina dahil kasama ko ang barkada ko. Nakakahiya namang iwanan ko sila para kay Riz. Hindi pa kasi nila alam, maliban kay Gio, na gusto ko siya. Ayokong makantiyawan. Gusto kong maramdaman na lang nila na nagkakagustuhan kami. Hindi na naman lingid sa mga kaklase namin na mayroon kaming something. Sila pa nga ang kinikilig. Ilang araw lang, kami na ang love team ng taon. Iyon ay kung hindi na niya ako susungitan. At, kapag makikipag-usap na siya sa akin. Tinext ko kasi siya kaninang uwian, pero hanggang ngayon ay wala pang reply. Sabi ko lang naman na, "BATI NA BA TAYO?" Since, hindi siya nag-reply, ano pa nga ang sagot?! Kundi, HINDI PA. Kailangan ko pa siguro gumawa pa ng isa pang favor sa kanya. Grabe! Ganito pala ang pag-ibig. Bakit pa kasi ako iibig, kung pangarap ko namang magpari?!

No comments:

Post a Comment

Booklet Project: Babasahin

  BOOKLET PROJECT   1.       Gusto Kong maging Guro Gusto kong maging guro balang araw. Gustong maging nars ni Amanda. Gustong mag...