Followers

Wednesday, July 9, 2014

Red Diary 57: Baby

Kagabi, nagkausap kami ni Mommy sa cellphone. Tinawagan na rin daw niya ang Mommy ni Dindee. Iyak nga raw nang iyak. Pinayuhan daw niya na unahan niya. Mag-airplane siya. Kaya lang, ayaw niya. Pinakalma niya na lang ang sarili niya. Tinext na lang daw niya si Dindee na mag-ingat. Tapos, pumayag na rin later on na dito mag-aral si Dindee. Isa pang napag-usapan namin ni Mommy ay ang paghahanap ng boarding house ni Dindee. Patulong daw ako kay Daddy na hanapan siya ng malilipatan, gayundin ng mapapasukang college. Mabuti naman at hindi pala titira nang matagal sa amin si Dindee. Ayaw ko siyang kasama. Mahirap na, baka ma-inlove ako sa kanya. Or worst, baka siya ang tuluyang ma-inlove sa akin. Hindi tuloy ako mapakali ngayon. Panay ang text ko sa kanya para alamin kung okay lang siya. Na-realize ko na baka malowbat ang cellphone niya, kaya pinayuhan ko siya na huwag na muna magtext nang magtext. Mamayang gabi lang ay darating na siya. Susunduin pa muna namin siya sa Cubao. Another stage ng buhay ko. Hindi pa nga kami lubusang magkakilala, titira na kaagad sa amin. Although, it is for a short of period of time lang, hindi ko rin masasabi ang mga posibleng mangyayari sa amin, habang kasama siya. Aminado ako.. Napakaganda ni Dindee. Makinis. Maputi. Walang lalaking hindi mai-inlove sa kanya. Ayoko lang sa kanya dahil mas matanda siya ng isang taon sa akin. Although, hindi naman halata dahil malaking bulas ako, ayoko pa rin. Gusto ko, mas mature ako kesa sa babaeng mamahalin ko. Gusto ko kasi ako ang magbi-baby. Sawa na ako sa pagiging baby. All my life ako ang baby ng Daddy at Mommy ko. Bahala na…

No comments:

Post a Comment

Bato Serye -- Ep. 11

 Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento.   Bihira lang naman ang suisek...