Followers

Wednesday, July 9, 2014

Red Diary 58: School Politics

Miyerkules na. Last day of filing. Wala akong kalabang iba kundi si Riz. Hindi na ako nagtaka doon. Walang gustong tumapat sa kanya. Matunog ang kanyang pangalan. Mukha pa lang niya ay panalo na. Vocal din siya. Mahilig siyang bumati. Iyon ang lamang niya sa akin. Ako naman ay hindi ako palangiting tao. Hindi ako mahilig makipag-usap, lalo na sa hindi ko kakilala. But it doesn't mean na suplado ako. Marunong naman akong makiharap sa tao. Nakausap ko si Mam Bañarez sa hallway. Nakita nga kami ni Riz. Gusto rin yata niyang kausapin. Matagal kaming nag-usap. Hinintay niya kaming matapos, saka siya lumapit. At nang sila na ang magkausap, lumayo na ako. Napag-usapan lang naman namin ang mga activities na magaganap sa Friday-- miting de abanse. Gusto ko lang namang malaman lahat ng mga dapat gawin para maihanda ko rin ang partido ko. Ayun, nalinawan ako. Kaya naman, nang nag-meeting kami ng mga kapartido ko ay maliwanag kong naihayag ang mga mangyayari at mga dapat naming gawin. Naipaliwanag ko rin ang tungkol sa plataporma namin. I wanted them to emphasize each letter of HOPE when we go room-to-room, bukas. Bukas na kasi ang start ng room-to-room campaign. Nag-ambagan din kami sa malaking tarpaulin ng aming party banner. Tapos, sinabi ko rin na magkanya-kanya rin kami ng sample ballot at iba pang campaign materials. Pagkatapos ng meeting, saka ko lang in-on ang cellphone ko. Tatlong messages mula kay Dindee ang naroon. Malapit na raw siya sa Cubao. Ang pang-apat ay mula kay Riz. Sabi niya: "SIPSIPAN B ANG LABANAN?" Capital letters talaga. Intense! Hindi ko alam ang ire-reply ko. Huminahon muna ako. Minasama pala niya ang pakikipag-usap ko nang matagal kay Mam Bañarez. Samantalang siya, nakipag-usap din naman. Hindi ko inisip na nagsipsip siya. Iyon naman kasi ang role ni Mam. Dapat lang din naman na magtanong sa kanya dahil siya ang SSG adviser. Ano bang problema niya? Pangalan nga niya ang mas matunog. Underdog ako. Panggulo lang ako sa eleksiyon. Masabi lang na may kalaban siya. Bakit siya nag-iisip ng masama sa akin? Hindi ko siya mainitindihan... School politics lang naman ito. Alam ko, natural lang ito sa ganitong sitwasyon. Politics is politics, sabi nga nila. At, hindi man ito tunay na politika. Gayunpaman, siya pa rin ang Riz na gusto kong mahalin.

No comments:

Post a Comment

Bato Serye -- Ep. 11

 Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento.   Bihira lang naman ang suisek...