Followers
Thursday, July 10, 2014
Red Diary 63: Riz meets Dindee
Whooah! Astig ang speech ko kanina! Highly applauded... Hindi ko akalaing ganun kalakas ang magiging impact nun sa mga kaeskuwela ko. Humanga ako sa sarili ko. Kaya ko palang harapin ang maraming audience. Plus na nga lang ang pagkanta at paggitara ko. Hindi ko iniisip na mas lamang ang palakpakan nang nag-perform ako kesa nang nagtalumpati ako. Pumunta ako sa entablado at humarap sa kanila, hindi bilang isang mang-aawit, kundi isang lider na ang pangarap ay pagbabago at kaunlaran para sa paaralan at mga mag-aaral.
"Bravo!" sabi pa ni Daddy, pagbaba ko ng stage. Niyakap naman ako ni Dindee. Kinamayan naman ako ng mga kapartido ko, mga estudyanteng sumusuporta, pati ng iba kong kalaban at mga guro.
Hindi ko inilagay iyon sa ulo ko. Hindi pa rin ako nakakatiyak na ako ang mananalo. Pinalakpakan din naman nang malakas si Riz, pero wala siyang performance. Kaya, tanging ang kanyang talumpati ang nagbigay sa kanya ng timbang.
Gayunpaman, umaasa akong mananalo sa election. Sa Lunes na ang botohan.
Palabas na kami sa gate ng school nang magkita kami ni Riz doon. Tumingin siya sa akin. May nais sabihin, pero natigagal siya nang makitang nakahawak sa braso ko si Dindee. Hindi ko napansin o naramdaman na nakahawak pala siya.
"Hello, Riz!" bati ko sa aking karibal sa presidential slot.
"Hi," matabang niyang sagot. Nakatingin pa rin siya kay Dindee. Tiningnan pa nito mula paa hanggang ulo. Sinabayan ko siya ng paghagod ng tingin sa babaeng nakahawak pa rin sa braso ko. Noon ko lang napansin ang suot niyang hapit na hapit. Hindi naman malaswa, pero litaw na litaw ang magandang hubog ng katawan ni Dindee, lalo na't may sinabi ang kanyang dibdib.
"She's Dindee. My friend from Aklan. Dindee, meet Riz." Mabilis kong naisip na ipakilala siya sa kasama ko. Mabilis din namang nag-abot ng kamay si Dindee kay Riz
"Let's go, guys! Bye po...”' Umiwas si Riz sa kamay ni Dindee. Ang 'bye' na iyon ay para kay Daddy, hindi para sa akin lalng, hindi para kay Dindee.
Nakita ko pang natawa si Daddy sa nangyari. He knew what's going on…
Nayari na... Paano ko ba ipapaliwanag kay Riz ang tungkol kay Dindee? Hindi pa nga kami okay, lalo pang nadagdagan. Grr!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Bato Serye -- Ep. 11
Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento. Bihira lang naman ang suisek...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment