Followers
Thursday, July 10, 2014
Red Diary 64: Space for Rent
Sabado.
Ako mismo ang sumama kay Dindee sa paghahanap ng 'Space for Rent'. Ayaw pa niya nung una kasi mas gusto niyang tumira sa amin. Narinig naman niya kagabi, straight from my dad's mouth na kailangan na niyang maghanap ng mauupahan. Although, hindi pa siya naghain ng ideya na sa amin niya gustong mangupahan ay understood na hindi siya papayagan.
Parang wala sa loob si Dindee sa aming paghahanap. Masama ang loob niya na ginagawa namin iyon.
"Masakit na ang paa ko, Red!" reklamo niya. Hinilot-hilot pa kunwari ang kanyang legs. Alam ko nag-iinarte lang siya.
"O, sige pahinga muna tayo." Umupo kami sa street gutter.
"Wala pa tayong nakikitang space for rent. Puro lang room. Ayoko naman ng room dahil mahal. Ako lang naman...''
May nais na naman siyang sabihin. "Don't worry, makakahanap din tayo. Kahit maghapon tayong maglibot dito sa paligid ng school mo, ayos lang."
Bente minutos na kaming nakaupo doon. Enough na para makapagpahinga, pero ayaw pa ni Dindee na sumige kami sa paghahanap. Ayaw pa niyang tumayo. Kaya, imbes na maasar at mabugnot ako, nilabas ko ang earphone at nag-sound trip ako.
Hindi naman nakatiis si Dindee kaya naki-share siya ng earphone. Halos magkadikit na ang mga balikat namin. Awkward pero, okay lang. Wala naman masyadong dumadaan.
"I love our choice of music! I really love it! Magkakasundo talaga tayo, Red..."
Hindi ko siya pinansin. I, instead sang along...
Nakalimang songs kami, saka pa lamang siya nagyaya. Pero, hindi para maghanap uli, kundi para umuwi na. Wala akong nagawa. Ayaw niya, e.
Nagpa-epal siya pag-uwi namin sa bahay. Bumida siya kay Daddy. Kesyo, wala raw kaming nakita. Kesyo, puro room ang bakante. Kesyo, nakakapagod. Hay! Ang babae nga naman! Gagawin ang lahat…
Hindi na lang ako kumibo. But, it doesn't help, dahil si Daddy na mismo, straight from his mouth, ang nagsabing dito na lang siya sa amin tumira.
Dindee won!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Bato Serye -- Ep. 11
Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento. Bihira lang naman ang suisek...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment