Followers
Friday, July 11, 2014
Red Diary 67: Fathers' Day
Apat na oras lang yata ang naging tulog ko. Ang tindi ng epekto sa akin ng halik ni Dindee. Hindi niya agad ako pinatulog. Pero, kahit puyat ako, matino pa rin ang isip ko. Naalala ko pa rin na Fathers' Day ngayon.
Paglabas ko ng kuwarto, wala si Daddy sa sofa. Si Dindee ang naroon. Hindi ko siya pinansin. Hinanap ko si Daddy. Sa labas ng bahay ko siya natagpuan. Binabawasan niya ng mga dahon ang punong balete. Ginagawa niyang bilog.
"Daddy.."
"O, Red, gising ka na pala..."
"Opo... Happy Fathers' Day po!"
"Ha? Ngayon ba yun?" Tumigil na siya at pumasok.
"Ngayon po. June 15. Sunday..."
"A, ok! Salamat!"
"Ligo ka na po, Dad! Ako na po ang magwawalis ng mga dahon..."
"Sige, pakiwalis na lang... Pero, mamaya pa ako maliligo. Magluluto na lang ako ng almusal natin."
"Wag na po... I'll treat you out. Breakfast po tayo sa labas. Sagot ko po."
"Whooah! Talaga!? Astig naman ng anak ko. Si Daddy na ang ililibre. O, sige, maliligo na ako."
Matipid kasi ako. Ang mga ibinibigay ni Mommy sa akin ay ‘di ko naman nagagalaw, kaya may savings ako. Tulad nga nitong may okasyon, may magagamit ako.
Pumasok na si Daddy sa bahay. Narinig kong binati siya ni Dindee. Ako naman, nagmadaling winalis at isinako ang mga dahon at sangang pinutol ni Daddy sa balete.
"Tulungan na kita.’' Nagulat ako kay Dindee. Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin.
"Hindi na. Kaya ko na 'to. Saka, patapos na..." Hindi ko siya tiningnan.
"Sorry pala sa nangyari kagabi... Hindi na mauulit."
Ulitin natin. Gusto mo pa? Gusto kong sabihin sa kanya, pero hindi ko sinabi. Pilit kong ipinapakita na hindi ko nagustuhan ang ginawa niya sa akin.
''...Na-carried away lang ako. Di tama. Pero, hayaan mo… pipigilan kong magparamdam sa'yo. I know now kung saan ako lulugar. Thank you!" Tumalikod na siya.
Naawa naman akong bigla sa kanya. Hindi niya deserve masaktan at mahirapan. "A, Dindee... aalis tayo nina Daddy ngayon. Maligo ka na after ni Dad. Next na ako." Pinilit kong pasayahain ang boses ko. "Tatapusin ko lang 'to."
"Talaga? O, sige…" Sumaya siyang bigla. Nataranta. "Bilisan mo na kaya d’yan. Sabi ko sa'yo tulungan na kita, e. "
"Wag na nga. Sige na..."
"Kaw, bahala... Hmf.." Pero, ngumiti.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Buwaya sa Gobyerno
Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
Bakit kapag nagkakamali ng bigkas ang ating kapwa, pinagtatawanan natin? Bakit kapag mali-mali ang Ingles nila, kinukutya natin? Big deal ba...
No comments:
Post a Comment