Followers
Friday, July 11, 2014
Red Diary 69: Grounded
Hindi ako kinibo ni Daddy, habang nasa dyip kami. Ayaw din kasi niyang nakikipag-usap sa public utility vehicle, kaya hinintay ko na lang na makauwi kami.
Nang makarating kami sa bahay, saka lamang ako nag-sorry sa kanya. Alam kong hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Gayundin si Mommy, nainis siya sa ginawa ko. Tinext niya nga ako: "Pag inulit mo pa 'yun, Red, magagalit na talaga ako sa'yo."
"Sorry po, Mommy", reply ko naman. May peace sign pa.
"Sorry po, Dad,” umpisa ko, habang nagtatanggal siya ng sapatos sa kuwarto."Akala ko kasi..."
"Akala mo lang 'yun..." Hindi naman siya galit. Nag-gagalit-galitan lang. Nakita ko kasing ngumiti.
"Hindi ko na po ba uulitin?" Tumawa ako nang saglit.
"Aba! Pasaway ka talaga! Nagtanong ka pa talaga, ha..." Tumawa na rin si Daddy. Hindi ako nagkamali. Hindi talaga siya galit.
"Ikaw, Dad, ha! Kunwari pa po kayo." Nagtanggal na rin ako ng sapatos ko.
"Huwag mo nang uulitin 'yun. Red, ha?"
"Bakit naman po?
"Baka ma-in love uli ako sa Mommy mo." Nagtawanan kami.
"Sabi ko na nga ba, may pagnanasa ka pa rin kay Mommy e! Sandali nga at matext ko nga siya," kunwaring dudukutin ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko.
Ang bilis niyang maagaw ang cellphone ko. Nag-agawan kami. Muntik pa ngang mahulog.
"Akin na 'yan, Dad!"
"Hindi ko na 'to ibibigay sa'yo..." Itinago pa sa bulsa niya. "Grounded ka for two weeks!" Tumawa pa siya na parang si Max Alvarado.
"Joke lang naman 'yun, Daddy! Masyado ka namang guilty... Akin na po. Itetext ko si Riz, e."
"Yoko nga! Grounded ka... hanggang ‘di ka nangangako."
Nakuha ko rin ang cellphone ko. Binibiro lang naman pala ako ni Daddy. Ang kulit! Narinig tuloy kami ni Dindee.
"Ang cute niyong mag-Daddy," sabi ni Dindee nang nanunuod na kami ng TV. Nasa labas ng bahay si Daddy.
Tumawa ako. "Narinig mo pala."
"Oo! Narinig ko nga ang pangalan ni Riz." Tonong nagseselos si Dindee.
Bitter.
Di ko na lang pinansin.
Bukas, pareho na kaming busy. May pasok na rin siya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Bato Serye -- Ep. 11
Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento. Bihira lang naman ang suisek...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment