Followers

Saturday, July 12, 2014

Red Diary 72: Baby Powder

Nagsusulat lang ako ngayon. Tapos na ako sa gawain sa Araling Panlipunan. Lumabas si Mam, kaya medyo maingay. Pero, ‘di pa rin ako apektado. Ramdam ko naman si Riz. Panay ang tingin niya sa akin. Si Roma naman, na bestfriend niya, ay panay ang hilahid sa akin. Pinatigil ko. Sabi ba naman sa akin: "Sige, ‘di kita ia-update kay Riz." "Pag pinagbigyan ba kita, matutuwa ako sa update mo?" Kailangang masigurado ko. Wise si Roma. Minsan, gusto lang talagang makaisa. "Oo naman!" "Di bale na. Okay na kami, e." May sinabi pa siya. Gay lingo. Di ko naintindihan. Pinagpatuloy ko na lang ang pagsusulat. Maya-maya naman, si Gio ang lumapit. Pakopya raw siya ng quiz. Hiniram ang papel ko. Balik sa pagsusulat… Kagabi, hindi na kami nakapagkuwentuhan ni Dindee nang matagal. Kinumusta ko lang siya at ang kanyang first day of school. Okay naman daw. May mga nakilala na siyang kaibigan. Tapos, ako naman ang kinumusta niya. Tuwang-tuwa siya nang malamang ako ang nanalong presidente. Halos, gusto na naman niya akong yakapin. Kaya lang, andun si Daddy. Isa pa, nag-sorry na siya. Nangakong hindi na siya maki-carried away. Kanina naman, online siya. Tapos, nag-text. Pinost niya raw ang mga pictures namin noong Fathers' Day. Yari! Makikita na naman iyon ni Riz. Naka-tag daw kasi sa akin. Hindi na ako magtataka kung hindi na naman ako papansinin ni Riz bukas. Dumating na si Mam. Kinolekta na ang mga papel namin. Mabuti na lang nakopya na ni Gio ang sagot ko. “Goodbye, Mam!” “Good morning, Sir!” bati namin sa aming Math teacher. Seryoso kaming lahat. Magagalit siya, kapag maingay kami. Gusto niyang nakatingin kami sa kanya o sa pisara, habang nagdi-discuss siya. Effective naman dahil nauunawan namin. Quiz… Iniwan kami ni Sir Gruta dahil pinatawag siya ng principal. Inatasan niya si Riz na maglista ng maingay at tumatayo. Safe ako kasi ‘di ako mahilig gumala sa classroom. Hindi rin ako nakikipag-usap, lalo na kapag hindi pa ako tapos. Nagulat na lang ako nang nakipagpalit si Roma ng upuan kay Riz. "Pwede ba akong magpaturo sa'yo?" Shit ang lambing ng boses ni Riz! For the first time of the history of Mathematics, ngayon lang siya magpapatulong sa akin. Wow! "It's my pleasure, Riz!" banat ko. Tapos, narinig ko ang hiyawan ng boys sa likod. “Ang sweet!” sabi nila. Sabi naman ni Roma: "Bakit inggit kayo? Wala kasi kayong loveteam… Gusto nyo? Ako... available." "Di bale na. Magpapari na lang ako! Wew!" sagot naman ni Rafael. "Choosy ka pa... ‘Kala mo naman ang ganda ng girlfriend mo. Tse!" Natawa ako, habang kinikilig. Nalanghap ko kasi ang baby powder ni Riz. Amoy baby siya. Uhm. Ang sarap niyang kargahin at baby-hin. Sinaway na ni Riz ang mga kaklase. Tapos, tinuruan ko na siya. Matagal ko ring na-enjoy ang aming pagkakalapit. Nakompleto ang araw ko.

No comments:

Post a Comment

Bato Serye -- Ep. 11

 Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento.   Bihira lang naman ang suisek...