Followers
Saturday, July 12, 2014
Red Diary 73: Feeling Teenager
Bagay kaU! prho kyng EWAN!
'Yan ang text ni Riz, kaninang alas-siyete ng gabi. Nagseselos nga siya sa mga pictures namin ni Dindee. Kanina lang lumapit na siya sa akin at nagpatulong sa Math. Ngayon naman, todo-selos siya. Masama bang magselfie ng dalawahan?
Mas baGay tyO: <3, reply ko. Gusto ko siyang inisin.
bGay ur FacE! :P
je je. Ang tangi kong naisagot.
Sinabi ko kay Dindee ang tungkol sa pagseselos ni Riz. Gusto ko lang malaman niya na hindi niya dapat ako tinag.
"Pwede mo namang i-hide 'yun sa timeline mo, e. Ang sabihin mo, gusto mo rin…’’
Bumulong na lang ako. Ayokong makipagtalo sa kanya. Andami ko kasing assignment. Samantalang siya panuod-nuod lang ng TV. Nang-aasar pa.
Nang matapos ako sa assignment ko, alas-nuwebe na. Si Daddy naman ang nang-asar sa akin. Bakit daw ‘di ko ligawan si Dindee? Hindi ko lang pinatulan. Pati ba naman siya… Tapos, iniba niya ang usapan. Napunta sa adviser ko. Type daw niya.
“Hala si Dad! Ang bata pa kaya ni Mam!”
“Sinong may sabi na matanda na ako?”
"A.. .wala, wala po. "
"Kelan ba uli ang GPTA meeting namin?"
"Sus! Nawili na. Kahapon, aayaw-ayaw po kayo.."
Tumawa muna si Daddy. “Siyempre… May maganda sa school nyo, e. Siyempre, gaganahan si Daddy mo.”
"Sandali lang po..." Kunwaring hinahanap ko sa bulsa ang cellphone ko.
"Magsusumbong ka na naman sa Mommy mo? Samahan pa kita...” Tumawa pa siya.
"A, hindi po... Itetext ko si Mam... Sasabihin ko po na crush mo siya."
Hinabol ako ni Dad hanggang sa sala. "Gago ka, Red! Biro lang 'yun."
Nagbibinata na naman si Dad. Nakakainis. Feeling pogi. Akala niya kung bente-anyos pa rin siya. E, kuwarenta anyos na siya ngayong Hulyo.
Pag niligawan niya si Mam, sisirain niya lang ang buhay niyon... Hindi rin naman kasi imposibleng ma-inlove si Mam kay Daddy. Unang-una, matulis si Dad. Pangalawa, may asim pa. Pangatlo, ang tindi sa diskarte. Pang-apat, ang lakas makaporma. Pang-teenager. Tinatalo pa nga ako minsan.
Sana, wag naman...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Bato Serye -- Ep. 11
Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento. Bihira lang naman ang suisek...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment