Followers
Saturday, July 12, 2014
Red Diary 74: Dream Boy
Nag-meeting kaming mga newly-elected SSG officers kanina, after ng class ko. Isa sa mga agenda namin ay ang Oath-Taking Ceremony namin sa Friday. Isasabay na rin namin ang acquintance party ng mga Grade 7.
Later that day, ipinagpaalam ko sa principal ang aming plano. Through the help of our adviser, pinayagan kami. Good idea raw ‘yun.
Tapos, nag-usap uli kaming mga opisyales. Kinasa na namin ang plano at activities. First part ng program ay oath-taking; second part na ang acquintance party. Gabi iyon. Kailangan naming mag-post ng announcement sa bulletin board bukas and at the same time, mag-room-to-room announcement din kami.
Napagod na naman ako sa buong maghapong paroo’t parito, masaya naman ako sa ginagawa ko. Kaya, hindi ako masyadong na-stress. Kaya, lang pagdating ko sa bahay, wala na ako sa mood makipagkuwentuhan. Kanya-kanya na rin kaming tatlo. Si Dindee ay nag-aaral. Si Daddy ay nanunuod ng movie sa DVD. Ako naman ay nag-assignment lang at humiga na.
Sa aking pagkahiga, ‘di naman ako agad dinalaw ng antok, kaya tinext ko si Riz. Sabi ko: "My acquintance party tyo s Friday. Punta k, ha?"
''AnU nMn ang ggwin q dun?'' reply ni Riz.
''mkkiparTy.. saYawan.'
''Wla aq hLig jan.."
''TrY U lng.. PartNer tyo :)''
''sma u anG Gf u. Wg aq.''
''wLa p aq gF..''
''Eh sno unG ksamA u at Ung s pix?''
''frienD q lng un. anaK ng kaKlaSe ni MommY..'' Gusto ko pa sanang sabihin na sa bahay nakatira, kaya lang baka lalong magselos.
''KakaiBng frnd. SwEEt nu ah!''
''Ngse2loS k b?''
''Uu!''
Nagulat ako sa sagot niya, pero hindi ako sigurado kung seryoso siya.
''bkiT? di b my bF k?''
''uu! Bkit? masama bng magselos pg my bf n?''
Nalungkot ako. Akala ko ay may pagtingin siya sa akin.
''ah, ok.. kya pla ngsslos dn ako..''
''jeje. kninu?''
“dun s bF u, ung nghhatid syo. ung nkamotor..”
''haha!''
''O bkiT k tumtawa?''
''lah po..''
''bkit nga?''
''wla k ng pkialaM dun!! :P''
Di na ako nag-text. handa na akong matulog. Hindi na rin siya sumagot sa last text ko. Pero, nang halos nakapikit na ako, tumunog ang cp ko at halos ikainis ko. Ngunit, pagbukas ko, text na galing kay Riz pa rin ang nabasa ko.
''GudnYt, dreamBoY!''
Hala! Bumabalik na naman ang dating si Riz... Ayos!
Wala akong nagawa kundi reply-an siya ng good night din. Sarap sa feeling.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Bato Serye -- Ep. 11
Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento. Bihira lang naman ang suisek...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment