Followers

Sunday, July 13, 2014

Red Diary 89: Basketball

Para mawala ang kalungkutan ko, niyaya ko sina Gio, Nico at Rafael na magbasketball sa court. Ngayon ko na lang uli sila niyaya, since last school year. 
            Nagbihis muna ako ng basketball sando, shorts at shoes na iniiwan ko sa locker ko. Nagbihis din ang mga kaibigan ko. 
            Nang papunta na kami sa court, nakasalubong namin ang grupo ng mga Grade 10-Section B, na pinangungunahan ng astig daw sa basketball court na si Leandro. Hinamon niya kaming maglaro. Gusto pa nga niyang makipagpustahan ng pera sa amin. Ayaw ko lang dahil bawal 'yun. 
            "O, sige, ganito na lang," sabi ni Leandro. "pag natalo namin kayo... lalayuan mo na si Riz." 
            Nagulat ako sa deal niya. Pagpupustahan namin si Riz? Magagalit ‘yun pag nalaman niya. Hindi ako nakasagot agad. "A, ibang pustahan na lang, wag ‘yun, tol."
            "Shit! Duwag pala itong president n’yo, e!" sarkastiko niyang sabi sa mga kaibigan ko. "Bakit niyo ba binoto itong lampang ito? Wala pa 'to, e!"
            Ayoko ng ginaganun ako, kaya nagpanting ang ulo ko. Pero, kinalma ko ang sarili ko. Matagal ko nang nararamdaman na mainit ang dugo niya sa akin. Pero, ngayong alam ko na karibal ko siya kay Riz, hindi ko siya uurungan. Mas matangkad ako sa kanya. Hindi rin ako lampa. Hindi nga ako madalas maglaro ng basketball, pero marunong ako.
            "Sige, deal. Usapang lalaki.." Buo ang loob ko na talunin siya. Kinausap ko muna ang mga kaibigan ko, habang nagbibihis ang grupo ni Leandro. Sabi ko sa kanila, tulungan nila ako. Galingan namin. Ayokong matalo kami dahil ayokong mawala sa akin si Riz. Buo naman ang kanilang suporta para sa akin. Tinext pa nga ni Nico ang mga kaibigan namin pati ang girlfriend na manuod sa laban namin.
            Nang makabihis na sila, marami na ang gustong manuod. Nakakuha na rin kami ng magre-referee.

            Sa madaling sabi, nagsimula ang mainit na laro. Ginalingan naming, kaya kami agad ang nakaiskor. Lumamang kami ng sampu, bago nag-change court. Halata kong napipikon na si Leandro, kaya mas pinaghusayan ko. Kaya lang, hindi niya matanggap na lamang na lamang na kami sa kanila. Halos, panay nga ang paninigaw niya sa kanyang kakampi. Minunura pa niya. Kaya, nang ma-foul ko siya, sinuntok niya kaagad ako sa mukha. Halos, lumubog ang kamao niya sa mukha ko. Ang sakit! Hindi ako gumanti. Nagtimpi ako, pero natigil ang laro dahil nagkagulo na ang mga naroon. Nakakuha kami ng atensiyon, hanggang makarating kaming lahat sa Guidance's Office.

No comments:

Post a Comment

Anahaw

Guro: Tukuyin ang kasarian ng bawat Pangngalan. Number 1, anahaw! Estudyante: Walang kasarian! Guro: Tama! Pero ano ba ang anahaw? Ano’ng ur...