Followers

Sunday, July 13, 2014

Red Diary: 91

Mga Babae Sa Buhay Ko

Alas-dose na. Himbing na si Daddy. Bumangon ako ng dahan-dahan para di ko siya magising. Nag-stay ako sa sala. Inalala ko ang mga nangyari ngayong araw. 

Si Mommy ay galit pa rin si akin. 

Si Dindee, hindi pa rin ako kinibo o tinext man lang para mag-sorry. Hindi ko rin siyempre ginawa yun dahil alam ko, nasa tama ko. Hindi pa naman siya nag-eempake ng mga damit niya. It means, hindi pa siya nakakahanap ng malilipatan. Ang hula ko nga ay hindi naman talaga niya planong lumipat. Nag-dadrama lang.

Si Riz naman..nagtext nga, galit naman. Sabi niya: "Cnun2K k plA n LEanDro! Anu msaKt? MBti nga sAu! Ms mSkit ang Gnwa nu skn! PngpustHan nu aq. mga wlanghYa!"

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon para itanong sa kanya kung paano niya nalaman. Maraming nakakita. I guess, isa sa mga barkada namin ang nag-tsutsu sa kanya. Di bale na. Ang mahalaga naiparating ko sa kanya ang eksplinasyon ko. Sabi ko: "oo! mskiT. prO di bale D aQ ang my iDea nun. C leanDro nkaicp nun."

"paRho kau! pumyAg ka, e!"

"sori."

"sori? bakT ThropHy b aq pra pglbanan ninyO?"

"d mo Aq maunwaan e, Gnwa q un dhil mhal ktA.. aykO mpUntA k kng knikninu lnG.."

"Ah, gnuN!? thnkx s conCerN mo!! Lumayo k n skn siMula bkas.. DUWAG!!"

Hindi na ako nag-reply. Hindi niya rin ako maiintindihan. Kung nasaktan siya sa pustahang iyon, mas masasaktan ako pag di ako nakipaglaro kay Leandro, dahil hindi ko sinubukan. Napatunayan ko naman na kaya ko siyang talunin sa basketball, kaya lang napikon siya kaya nalaman ng lahat ang tungkol sa pustahan. Wala naman talagang dapat na masaktan. Proud pa nga dapat siya dahil, pinag-aawayan siya.

Hindi ko lubos maisip kung bakit masyado siyang maramdamin gayong hayagan na ang panliligaw ko sa kanya? Oo, ngayon lang ako manlilgaw, pero sa tingin ko sapat na ang mga ginagawa ko para magustuhan niya ako. Kailangan ko pa bang pisikal na lumaban para mapatunayan niyang mahal ko siya? Hindi ako duwag. Takot lang akong mawalan ng karangalan. Iniisip ko lang ang pangako ko sa sarili ko.

Layuan ko na daw siya. Kaya ko ba?

Hindi pa rin ako makatulog..

Naisip ko, hanggang kailan ba magagalit sa akin ang mga babae sa buhay ko?

No comments:

Post a Comment

Elias Maticas 6

“Lolo Leo!” tawag ni Elias sa lolong pasakay na sa traysikel ng ama.   Napalingon si Lolo Leo, gayundin ang ama ni Elias, si Papay Olive...