"Sorry, Tol.." sabi ni Lemar nang nag-aabang kami
ng dyip pauwi sa bahay ko.
"Walang problema. Alam ko hindi ka naman ganun kasama. Kaya nga
kampante akong humarang kanina kay Jake kahit may balisong ka.."
"Paano pala kung tinurok ko ‘yun sa leeg niya?" Tumawa pa
siya.
"Kaya mong gawin yun?"
"Kay Jake? Oo.. Sa'yo..hindi!" Kakaiba ang
pagkasabi niya ng huling pangungusap. Medyo, nanginig siya.
Hindi na kami nag-usap hanggang makarating kami sa bahay.
"Na-miss ko 'tong bahay mo.." Inikot ni
Lemar ang paningin niya sa buong bahay, habang naghahanap ako ng makakain sa
ref.
"Santaon na yata nang huli kang pumunta dito.."
"Oo. Yung birthday mo yun. Nagpainom ka sa amin.."
"Yun ba yun?
"Oo.. Di ko yun makakalimutan kasi.."
"Kasi ano?"
"Ah, wala.. Iba pala yun!"
"Sige, almusal na tayo.. Pasensiya na, hindi pala ako
nagkapag-grocery.."
"Ayos na ‘yan!"
Habang nag-aalmusal kami. Hindi niya mapigilan tumingin sa akin.
Pinakiramdaman ko lang siya. Malakas ang kutob ko na may gusto siyang sabihin.
"Hector.. bakit mo nga pala ako sinama dito?"
"Para makapag-almusal tayo.. Makapag-usap."
"Di ka ba natakot sa akin kanina?"
"Hindi! Kaya kitang labanan." Tumawa ako para
ma-relax siya.
"Ba't di mo ako binanatan kanina?"
"E, may hawak kang patalim, eh! Kay Mama Sam ka lang pala
titiklop.."
"Hindi rin.. "
Wala na akong nasabi. Nagpatuloy kami sa pag-aalmusal.
"Pwede mo ba akong isabit sa show mo mamaya?"
"Ha? Yung gaya kay Jake?"
"Kahit ano.. Gusto ko lang din kumita ng mas malaki. Trenta
mil ang kailangan ko para maoperahan na si Mama."
"Sige.. Try natin."
No comments:
Post a Comment