Shit! Birthday ko pala ngayon. Bakit ba nakalimutan ko?
Nakalimutan din yata nina Mommy at Daddy kasi alas-otso na ng umaga ay hindi pa nila ako binabati. Mabuti pala nag-open ako ng Facebook ko. Mabuti pa ang FB friends ko bumati na.
Thank you!
Thanks!
Salamat!
Maraming salamat!
TY!
Tnx!
Iyan ang mga comment ko sa greetings nila. Inulit-ulit ko na lang kasi sobrang dami nilang bumati.
Gusto ko ng magtampo nang lumapit si Daddy sa akin. Inakbayan ako. "Happy Birthday, Red!" Tapos, inabot niya sa akin, mula sa kanyang likod ang kanyang regalo. "Buksan mo, anak."
Natuwa ako. I never thought na isosorpresa niya pala ako. Binuksan ko agad ang regalo. Isang pulang checkered long sleeves polo na Von Dutch ang laman niyon. "Thank you po, Dad! Ang ganda po nito! Akala ko po, nalimutan niyo ang birthday ko."
"Welcome! Hndi ko pwedeng makalimutan ang birthday mo.. Sige na, ligo ka na..aalis tayo."
"Talaga po?" Para akong bata. Kung kelan pa nadagdagan ang edad ko saka naman ako naging naive sa pag-react. Natuwa lang kasi ako.
Nakaligo na si Dad kaya nagmadali ako. Narinig ko rin na pinapaligo na niya si Dindee, habang naghuhubad ako ng saplot sa banyo.
Maya-maya, kinatok na ako ni Dindee. "Red!"
"Sandali! Kasasabon ko lang.."
"Sabay na tayo.. Joke lang. Hapy birthday! He he!"
"Kulit mo! Sige, salamat..!''
No comments:
Post a Comment