Followers

Tuesday, July 15, 2014

Red Diary 100

First Kiss


Nakipagkuwentuhan ako kay Dindee. Ipinabasa ko sa kanya ang text ni Riz. Hindi naman siya nagalit. Tawa nga ng tawa. Sabi pa: "Ah, ahas pala.. Sige, tutuklawin ko siya. Kaya wag na siyang makapunta dito. He he."

"Sabi ko pa naman na hindi ka ahas. Yun pala, nanunuklaw ka." Tumawa rin ako. Nagtawanan kami.

Nag-aktong ahas pa si Dindee. Lilingkisin kunwari ako. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at inilabas-masok ang dila. Nakahawak pa sa braso ko.

"Sige na, lingkisin mo na ako." sabi ko. Miss ko na rin ang halik niya.

Naramdaman niya ang sinseridad sa sinabi ko. Handa na kasi akong tanggapin ang lingkis niya. Tiningnan muna niya ako sa mata habang nakaabanag ang mga labi ko. Pumikit ako at dagli ko namang naramdaman ang pagdampi ng kanyang mga labi sa aking mga labi. 

Hindi ko na pinigilan ang sarili ko. Sa unang pagkakataon, ng di pinilit o di-nakaw na halik. Pareho naming ginusto. 

Matagal iyon.. Mainit.

Hindi ko lubos maisip na mangyayari ito. Hindi ko akalaing magugustuhan naming pareho, gayong hindi naman kami magkasintahan. 

Naisip ko lang, ako din kaya ang first kiss niya?

Hindi ako pinatulog ng first torrid kiss namin ni Dindee. Kanina ko lang napatunayan ang mga nababasa ko sa novel at napapanuod sa telebisyon. Kaya pala may nahuhumaling sa isang tao dahil lamang sa isang halik. 

Handa akong mahumaling kay Dindee. Para sa akin, siya na ang pinakamahusay humalik. Kumpleto na ang buhay-teenager ko. Makatuloy man ako sa pagpapari, hindi na ako ignorante sa halik. 

No comments:

Post a Comment

Elias Maticas 6

“Lolo Leo!” tawag ni Elias sa lolong pasakay na sa traysikel ng ama.   Napalingon si Lolo Leo, gayundin ang ama ni Elias, si Papay Olive...