TGIF.
Nakaka-stress mag-aral. Mabuti na lang nakaraos na naman ako sa isang linggong pakikipag-compete kay Riz. Habang tumatagal lalo siyang gumagaling sa recitation man o sa written. Lalo niyang pinaghuhusayan. Gayunpaman, hindi ako nagpakabog sa kanya. Inspired nga akong lumaban ngayon dahil ipinapakita niyang kaaway na niya ako.
Nang tinext ko siya kanina ng "Ako pa rn b ang DREAMBOY mo?" ang sagot niya ay "..N ur DREAMS!" Tapos, nag-send pa siya ng bilat smiley.
Tinapos na niya ang pagiging dreamgirl niya. Hindi na pwedeng maging kami. Mabilis akong sumuko. Alam ko naman kung paano magbasa ng kilos, tingin at salita ng babae kahit hindi ko pa nararanasang magkasyota. Sa tingin ko, sumuko na rin siya sa akin.
Okey lang, may Dindee pa ako. Hindi ako salawahan. Hindi rin ako nagmamadali. Bigyan lang ako ng pag-asa ng babae ay sapat na para maghintay ako. Si Dindee, mahal ako. Ipinakakita at ipinaparamdam niya. Hindi ko na kailangang mag-effort. Gayunpaman, handa akong mahalin siya ng totoo, gaya ng nais kong mangyari kung magiging kami ni Riz.
Kaya pagkatapos naming maghapunan, naggitara ako sa labas. Isa ito sa diskarte ko para palapitin siya at ligawan siya. Kinanta ko ang "Collide".
Hindi ako nagkamali. Lumapit siya.
"Wow, grabe, Red! Nag-goose bumps ako!"
"Salamat, Dee!"
"Pwedeng isa pa?"
"Okay, sure. Sing-along with me." Tinugtog ko uli iyon at nakikanta siya.
"Red..may gagawin ka ba bukas ng hapon?"
"Wala..kaya lang baka magyaya si Daddy.."
"Saan kayo pupunta?"
"Di ko pa alam.. marami naman kaming pwedeng puntahan. Baka mag-biking kami o kaya magbasketball.."
"Ah."
"Bakit?"
"Ah, wala..magpapasama lang sana ako sa'yong mamasyal.. Gusto ko kasing mag-unwind. Alam mo na..stress sa studies. Saka, gusto kong malibot ang Manila para di naman ako ignorante.."
"O, sige.. samahan kita."
"Talaga? Yehey! E..pano si Daddy mo?"
"Okay lang 'yun kay Daddy..halos every week naman kami nagba-bonding.."
"Thank you, Red!"
No comments:
Post a Comment