Nag-text si Daddy. May night out daw siya kasama ang mga katrabaho niya. Sabi niya, bumili na lang daw kami ni Dindee ng lutong ulam dahil baka umaga na siya makauwi.
Hindi na ako kumontra, hindi naman madalas gumimik si Daddy. Simula noong Abril, ngayon na lang uli siya lumabas kasama ang mga workmates. Minsan, kailangan din niyang gawin ito. Alam kong nakaka-stress sa trabaho, gaya ng stress na nararamdaman ko sa pag-aaral. Kung di nga lang ako inspired dahil may dreamgirl ako at may Dindee, baka isa din ako sa mga tinatamad na estudyante.
Alas-otso, tapos na kaming maghapunan. nanunuod na lang kami ng TV. Walang assignment dahil bukas, opening ng Nutrition Month sa school. Wala naman akong papel sa program maliban sa magmi-maintain ng peace and order kasama ko ang mga officers ko sa SSG.
Nagkakahiyaan pa rin kami ni Dindee dahil sa halikan namin kagabi. Kanina nga ng kumakain kami, hindi kami nagtitinginan.
"Dee..musta ang schooling mo?" Pinilit kong magbukas ng usapan.
"Ok naman.. Kaw?"
"Ayos din.."
Katahimikan..
"Musta ang dreamgirl mo?" tanong niya sa akin. Nagulat ako. Paano niyang nalaman yun? Binasa niya ang diary ko.
"Sino? Sinong dreamgirl.." Maang-maangan ko.
"Si Riz!"
"Paano mo nalamang siya ang dreamgirl ko? Nabasa mo ba ang diary ko?"
Tumawa si Dindee. "Paano kong mababasa yun, e lagi mong hawak.."
Hindi ako naniniwala. Binasa niya. Pwedeng-pwede niyang mabasa, lalo na kapag naliligo ako. Yari ako. Alam na niya ang sekreto ko. Alam na niya na gusto ko siya. Kailangan ko na ngayong mag-ingat.
Ngising-ngisi si Dindee.
"Anong ibig sabihin ng mga ngiting 'yan, Dee?"
"Wala! Masama bang ngumiti?"
"Hindi!" Nilapitan ko siya at kinuha ang pisngi. "Tumingin ka sa akin.. Magsabi ka ng totoo. Pinakialaman mo ang diary ko, ano?
"Hoy, Red! Masama ang mamintang." Hinawi niya ang kamay ko.
"Bakit di ka makatingin sa akin ng matagal?"
"Anong koneksyon nun?"
"Gusto mo lang yatang.." Itinuro niya ang lips ko at ang lips niya.
"Haha! Pwede ba?"
"Hindi pwede.. Hindi ako ang dreamgirl mo.. Gusto mo lang ako." Nakangiti siya. Makahulugan ang sinabi niya. Tama ako. Nabasa niya ang diary ko.
No comments:
Post a Comment