Sinimulan ko ng mag-isip ng mga courtship styles para kay Dindee. Kahit ang gusto niyang panliligaw ay iyong istilo ko kay Riz, hindi ko naman iyon gagawin. Iibahin ko siyempre.
Sa isang colored bond paper, nagsulat ako ng liham. Sabi ko:
Dear Dindee,
Nais kong magpasalamat sa pagpayag mo na ligawan kita. Salamat!
Sana magustuhan mo ang bawat panliligaw na gagawin ko sa'yo. Handa akong maghintay ng matamis mong 'Oo'. Huwag mo lang akong bibiguin. Mahal kita. Masyado mang maaga para maramdaman ko iyon, pero iyan ang siyang tunay.
Nagmamahal,
Red
Tinupi ko ng maliit at nilagyan ng maliit na puso sa harap. Tapos, inilabas ko sa box ang red remote controlled- toy car ko. Isinuksok ko sa loob ng kotse ang sulat, saka ko pinaandar patungo sa kuwarto ni Dindee.
Gising pa siya dahil bukas pa ang pinto at ilaw. Nakababa lang ang kurtina sa pinto pero nakalusot ang laruan ko.
Hindi naman ako pansin ni Daddy dahil inclined na inclined siya sa pinapanuuod na pelikula sa HBO.
Maya-maya, lumabas na si Dindee. Hawak niya ang toy car ko. Sinenyasan niya akong pumasok. Nagbulungan kami sa loob. "LBC 'yan. May sulat sa loob." bulong ko.
Binasa naman niya agad. "Thank you! One point ka na." Natawa kami. Parang basketball lang. May puntos pala.
Lumabas na rin ako agad pagkatapos mag-good night kay Dindee. Masaya ako kasi nagustuhan niya ang pakulo ko. Naisip ko lang, ilang points kaya ang dapat kong makuha bago niya akong sagutin?
No comments:
Post a Comment