Followers

Tuesday, July 15, 2014

Double Trouble 8

DENISE' POV

Ang sarap kalaro ni Kuya Dennis sa Dota. Lalo akong gumagaling `pag siya ang kalaban ko. Akala niya, sa lahat ng bagay magaling siya. Sa Dota pala, bobo siya.

Isang oras lang kaming nag-internet shop. Baka kasi maabutan kami nina Mama at Papa na wala sa bahay. Nagkasundo na rin kami ni Bro na walang magsusumbong.

Ang hirap ng walang computer sa bahay. Kailangan ko pang magtipid para makapaglaro. Ikakain ko na lang, tinitipid ko pa para sa Dotang `yan! Nakakaadik kasi. Mabuti pa si Kuya, libro lang ang kinaaadikan. Hindi magastos. Hindi pa masamang pakinggan. Nagiging paborito pa siya ng mga parents namin. Hay, naku! Sana maging subject na lang ang Dota para first honors ako.

Pagdating namin sa bahay, kinopya ko nga ang mga assignments ni Kuya Dennis, The Nerd. Nakakawala man ng kumpiyansa sa sarili ay kailangan kong tanggapin dahil baka bigla na namang mag-check si Mama ng mga notebooks namin. Yari ako.

"Kambal ko, 'musta ka riyan?" sweet na tanong sa akin ni Dennis, habang nagsusulat ako.

"Ayos lang! `Wag mo na akong istorbohin! Nagmamadali na ako. Baka dumating na sina Mama. Labas ka na."

"May itatanong lang ako sa `yo sandali.''

"Sige na, itanong mo na."

"Kaibigan mo si Krishna, `di ba?"

Nagulat ako. Si Krishna? Interesado siya kay Krishna? Hindi maaari! Kaya sabi ko, "Nagbibinata ka na, Kuya? Pero, huwag ako... iba na lang. Ayaw kong tumulong sa `yo... Hindi! Hindi kami magkaibigan... Labas na!"

"Ano'ng nangyari sa `yo? Nagtatanong lang, e."

"E, istorbo ka nga, e!" Sininghalan ko na siya.

Nakakaasar! 


No comments:

Post a Comment

Elias Maticas 6

“Lolo Leo!” tawag ni Elias sa lolong pasakay na sa traysikel ng ama.   Napalingon si Lolo Leo, gayundin ang ama ni Elias, si Papay Olive...