Kumita ako kagabi ng tatlong libo at dalawang daang piso. Masaya na ako
sa ganun. Kahit sa pagsasayaw at tip lang ay kumita ako ng ganun kalaki.
Maidadagdag ko na naman ang kalahati nito sa aking savings.
Habang ibinubulsa ko ang kinita ko, naabutan ko sina ni Jake at Lemar sa
labas. Nilabasan niya ng bente-nuwebe o balisong ang kaibigan ko.
“Tang-ina kang putang ina ka!” Nakatutok na kay Jake ang
patalim.
“Hoy, Lemar! Ibaba mo yan!” Agad akong lumapit kay Jake
para ilayo siya.
“Wag kang sumali dito Hector! Kung ayaw mong gripohan kita!”
“Teka, teka! Anong problema? Pag-usapan natin..” Pinalayo ko
na si Lemar. Ako na ang natutukan ni Lemar ng balisong. Pero, inihanda ko ang
sarili ko sa pag-atake niya.
“Problema? Ang problema kasi mga kupal kayong dalawa! Inaagaw niyo lahat
ng para sa akin.”
“Teka.. Di namin inaagaw sa’yo.. Kusa silang lumalapit sa amin. Trabaho
lang ‘to, Tol!”
“Oo nga! Trabaho! Kaya nga nagbebenta tayo ng aliw para kumita. Pero,
nasaan ang kita ko? Wala! Kapos! Kulang.. Nasa inyo! Mga puking ina ninyong
dalawa. Ang lakas niyong mamburaot!” Galit na galit na
siya pero cool pa rin ako. Si Jake, umalis na.
“Hindi totoo ‘yan, Lemar. Tsambahan lang ‘yan. Malay mo mamaya ikaw
naman ang gusto ng mga customer..”
“Wag mong bilugin ang ulo ko, Mr. Hardlong! Ulol!”
“Ibaba mo ‘yan, Lemar!” sigaw ni Mama Sam. Dumating din ang
security guard at si Jake. Nakapagsumbong na pala siya.
“Kampihan na ‘to! Wew, hanep! Sige, ipakulong na ninyo ako.. Shit!” Itinaas na
niyang kusa ang kamay niya at inihagis palayo ang balisong.
Pagkadampot ng guard ng balisong. Nilapitan naman ako ni Mama Sam. “Okay
ka lang ba, Hector.” Hinaplos pa niya ang dibdib ko at tinapik sa
balikat. Tapos, hinarap na niya si Lemar. “Lasing ka lang, e. Alam
mo, insecurity ang tawag d’yan. Bakit di ka magpakumbaba para magustuhan ka
naming lahat..”
“Hindi ako lasing, Mama Sam. Masama lang ang loob ko sa inyong lahat.
Bigyan n’yo naman kasi ako ng break. Please! Kailangan ko ng pera.. Ang Mama
ko, kailangang maoperahan..” Maluha-luha na siya.
“Yun lang pala ang problema mo, bakit mo dinadaan sa ganito? Mali yan,
Lemar.. Sige, uwi ka na . Balik ka dito mamaya ng mas maaga. Mag-usap tayo..” sabi ni Mama
Sam. Mahinahon na rin siya.
“Mama Sam, okay lang po ba na ako na ang kumausap sa kanya?”
“Sige.. Good for him.. Sige na, Lemar, uwi ka na. Ingat! Sige, Hector, ikaw
na bahala kay Lemar. Lemar, makinig kay Hector..” Pumasok na si Mama
Sam at ang guard.
Inakbayan ko naman si Lemar palayo sa bar. Isasama ko siya sa bahay.
Alam kong malaki ang magagawa ng bahay ko sa probema niya.
Nakita kong humarurot na si Jake palayo.
No comments:
Post a Comment