Followers

Tuesday, July 15, 2014

Red Diary 96

Kamao


Nilutuan ako ni Daddy ng arroz caldo. Pinakain naman ako ni Dindee. Ini-spoiled ako masyado. Kahit kaya ko namang kumain mag-isa, sinubuan niya pa rin ako. Andami ko tuloy nakain. Guminhawa ang pakiramdam ko. 

Gayunpaman, hindi pa rin ako pinapapasok ni Daddy bukas. Baka daw mabinat ako. Itetext na lang daw niya si Mam Valbuena. Mabigat man sa loob kong umabsent ay wala akong magagawa. kailangan kong sundin si Daddy.

Mga alas-nuwebe ng gabi ngayong araw, tumawag uli si Mommy. Kinumusta ang lagnat ko. Pinasalamatan din niya ako dahil bati na raw kami ni Dindee.

Isang babae na lang ang hindi pa okay sa akin--- si Riz. Ma-pride yun. Ako rin ang susuyo dun sa Martes. Baka nga hindi pa rin ako pansinin pag kinausap ko. Kaya, tinext ko na siya. Sabi ko: "My skiT aq. D aq ppSok bks. see u on Tuesday. Mmmis kta."

"Miss ur faCe! my skiT kn nGa, sinunGaling k p! HmF!!"

Nagulat ako sa mabilis niyang reply. Pero, hindi na ako nagtaka kung galit na naman siya. 

"GLit kn nmn. Sge k ppngit k.."

"Wapakels!"

He he na lang ang reply ko. Tapos, naabutan ako ni Dindee na nakangiti at hawak ang cellphone. 

''Sino 'yang nagpapangiti sa'yo?" Tonong nagseselos siya.

"Ah..si Gio.. best friend ko."

''Pabasa nga. Parang hindi ako naniniwala.."

Hinigpitan ko ang paghawak sa cellphone ko. "Wag na. Si Gio nga!"

"Bakit ayaw mong ipabasa? Si Riz 'yun, no?"

"Hindi!" 

"Bahala ka. Konsensiya mo na lang 'yan. Don't forget na may sakit ka. Sana hindi ka na nagsisinungaling.. Good night! Tulog na ako. Maaga pa bukas.. "

"Psst! MaY nakalimutan ka!" Nang bumalik si Dindee, tinuro ko ang lips ko. Tinaas naman niya ang kamao niya. Natawa na lang ako. Selosa kasi. 

No comments:

Post a Comment

Elias Maticas 6

“Lolo Leo!” tawag ni Elias sa lolong pasakay na sa traysikel ng ama.   Napalingon si Lolo Leo, gayundin ang ama ni Elias, si Papay Olive...