Sakto lang ang dating ko sa bar. Nauna lang sa akin ng kaunting minuto
si Jake.
Nasa dressing room na rin siya. Naroon na rin ang iba pang macho dancers
at si Mama Sam.
"Since narito na si Mr. Hardlong.. I want to announce to all of
you.." simula ni Mama Sam, habang nagsisimula na akong maghubad ng shirt ko. "..that
Jake will be one of you. He's now a regular macho dancer." Pumalakpak
si Mama Sam. Pumalakpak ako. Nagpalakpakan din ang iba, maliban kay Lemar.
Tuwang-tuwa si Jake. Halos, maluha siya sa sobrang tuwa. Nangangahulugan
kasi ito na mas malaki ang kikitain niya bilang dancer.
"Salamat po, Mama Sam!" si Jake.
"Walang anuman! As I promised.. Pasalamat ka marami ang tumawag sa
akin after your performance kagabi. Congrats din, Hector! You're a good
mentor!"
"Welcome, Mama Sam and thank you, too!" pasalamat ko.
Lalong uminit ang bumbunan ni Lemar. Iniisip na naman niya na sipsip na naman
ako.
"Boys.. let it be an inspiration to all of you.. " sabi pa ni Mama
Sam.
"How about me, Mama Sam?" Hindi na napigilan
ni Lemar ang sarili niya.
"What do you want?" maang na tanong sa kanya ni Mama
Sam.
"Gusto kong sumayaw sa midnight show. Solo!"
Mama Sam laughs. "Then, show it! Paghusayan mo. Customers ang
magsasabi kung pwede ka ngang magsayaw sa midnight show.. Good luck!''
Tapos, hinarap niya uli kami. "Sige na, boys. Get ready! May mga customers
na sa labas. See you there!" Tumalikod na siya.
"Pukinangyan!" Malakas ang pagkakasabi ni Lemar
nang makalabas na si Mama Sam. Walang pumansin sa kanya.
No comments:
Post a Comment