Dear Lord,
Magandang gabi po sa Inyo!
Sumulat po ako para humingi sa inyo ng tawad sa mga kasalanan ko at ng kapwa ko. Alam ko pong nagkukulang kami sa Inyo. Hindi namin Kayo sinusunod. Sinusuway namin ang Inyong mga kautusan. Sinisira namin ang Inyong mga likha. Pinagsasamantalahan namin ang Inyong mga nilikha. Sinasamba namin ang kapangyarihan at salapi. Hindi namin pinahahalagahan ang Inyong mga gintong aral..Kaya heto si Glenda, na Inyong ipinadala upang puksain kaming mga makasalanan at kami ay paalalahanang muli sa aming mga maling gawi at asal. Salamat po!
Oh, Ama naming makapangyarihan, iligtas mo po kami sa unos at sa kapahamakang dulot ng mga natural na sakuna. Huwag Mo po kaming hayaang anurin kami tungo sa kamatayan.
Patawad..patawad..
Ang Iyong anak,
Juan
No comments:
Post a Comment