Sino ako?
Pinagpapasa-pasahan niyo ako.
Noong isinilang ako, napakaganda, napakinis at napakalinis ko. Pero ngayon, para na akong ginahasa. You crumpled me. Sinulat-sulatan mo ako. Tinupi-tupi pa. Nilamutak niyo ang pagkatao ko.
Di ba sinasamba niyo ako?
Bakit kapag madungis na ako ay hindi niyo na ako kayang pahalagahan o itago man lang? Bakit hindi niyo ako kayang ingatan gaya ng pagpapahalaga niyo sa kapwa ko? Porke ba mababa ang halaga ko ay hindi na ninyo ako ituturing na mahalaga?
Bakit? Kung wala ba ako, mabubuo ba ang mga yaman ninyo? Bakit? Kaya niyo bang mabuhay kapag wala ako? Hindi!! Kailangan niyo ako. Kaya, sana naman, iniingatan niyo ako. Magkawangis tayo. Pinaghahalintulad tayo. Kamukha ko raw kayo. Nakakainsulto iyon para sa akin, dahil hindi ako asal-tao. Pero, kayo..mukha kayong p#%#!
Tapos, hindi niyo ako pinahahalagahan. Kundi halos ipampunas niyo ako sa dumi niyo.
Sino ako?
Sino ako?
No comments:
Post a Comment