Followers

Tuesday, July 15, 2014

Red Diary 104

Luneta Park


Hindi pa sana kami uuwi ni Dindee mula sa pamamasyal, kaya lang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi naman magandang mamasyal sa Luneta Park kapag umuulan. Gayunpaman, nag-enjoy kami pareho. Pagkatapos ko kasing mailibot si Dindee na parang turista sa park, nag-stay kami sa Japanese Garden, kung saan nakapaglatag kami ng balabal na nabili ko noong nakaraang summer sa Aklan. Nagkuwentuhan kami. Nagharutan. Nagtawanan.

Bago bumuhos ang ulan, tinanong ko siya. "Pwede ba kitang ligawan?"

"Bakit? Basted ka na ba kay Riz at ako naman ang liligawan mo?"

Hindi ako nakaimik kaagad."Hindi naman niya ako gusto..Lagi niya akong sinisinghalan.."

"Kaya nga.. Kaya ako na ngayon ang dreamgirl mo?"

Tumawa na lang ako. Ang lakas makapagpa-speechless ni Dindee. Corner ako. Tapos, nakaisip ako ng sasabihin ko. "Sagutin mo ang tanong ko. Pwede ba?"

"Pwede pero depende.."

"Anong klase yun?" Napakamot ako sa ulo ko. Para kasing may kondisyon siya.

"Ayaw mo?"

"Gusto." Parang napilitan lang ako.

"Ligawan mo ako gaya kung paano mo niligawan si Riz.." Seryoso si Dindee.

Hindi ko na sinabi ang nasa isip ko. Hindi na kasi epektibo ang style ng panliligaw ko kay Riz. Baka mabasted din niya ako kung gagamitin ko din iyon sa kanya. Bahala na! "Yun lang pala, e. Sige! Ngayon na ba?"

"Yabang mo! Sige, try mo, babastedin kita agad.."

"Wag naman, Dee. Sakit-sakit kaya mabasted.." Tumawa kami.

"Kaya nga, umayos ka. Hindi porke't gwapo ka, sasagutin ka kaagad ng mga babae. Hindi lahat ng babae ay mahilig sa gwapo. Plus na lang yun, para sa akin.."

"Ah, ganun pala.. Sige..tatandaan ko 'yan. Salamat!" Natuto ako sa kanya. Tama naman kasi siya. Baka nga nakitaan ako ni Riz ng di mabuting-asal kaya hindi niya ako magustuhan at madalas niya akong dedmahin.

Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi naman niya inalis sa aking pagkakahawak. 

"Red, thank you ha?"

"San?"

"Sa time na ito."

"You're welcome. Basta ikaw."

No comments:

Post a Comment

Elias Maticas 6

“Lolo Leo!” tawag ni Elias sa lolong pasakay na sa traysikel ng ama.   Napalingon si Lolo Leo, gayundin ang ama ni Elias, si Papay Olive...