Dalaw
Hindi nga ako pumasok ngayon. Si Dindee, pinapasok ko. Ayokong masayang ang araw niya sa pag-aalaga sa akin. Kaya ko naman, sabi ko sa kanya.
Pumasok din si Daddy. Pero, iniwan niya ako ng mga pagkain at gamot. Lagi naman namin iyon ginagawa kapag nagkakasakit ako.
Umuwi agad si Dindee. Wala daw ang prof nila sa last period, kaya alas-onse pa lang ay nasa bahay na.
"Hmm. Miss mo na agad ako, e.." biro ko.
"Ah, ganun!" Kinurot niya ako ng pinong-pino sa braso.
"Bakit ka nangungurot? Totoo siguro, ano?"
"E, ano kung totoo? May angal ka?'' Idinikit pa niya ang mukha niya sa mukha ko. Mistulang makikipagduwelong tamaraw.
"Wala po. Wala po akong anga! Ikaw pa.." tumawa kami.
"Teka.. binili pala kita ng fruits. Wait. Kunin ko lang sa bag ko.." Kinuha niya nga. Tapos, pagbalik niya, ipinagbalat niya ako ng orange. Sinubuan na naman niya ako. Hindi na ako tumanggi at nagsalita. Panay kasi ang duldol niya. Walang humpay.
Nakakawiling magkasakit... Kung ganito pa kabait ang tagapag-alaga ko kapag magkakasakit ako, gugustuhin ko nang magkasakit lagi.
Ala-una, habang naghuhugas si Dindee ng mga plato, may tumawag na pamilyar na boses mula sa labas. Pinagbuksan ni Dindee at maya-maya, narinig ko na ang ingay at boses nina Mam Dina, Riz, Roma, Gio, Nico at Rafael. Hindi ko in-expect na dadalaw sila sa akin.
Ang ingay ng mga lalaki. Mas maingay pa kina Mam. Mabuti, sinaway sila ni Riz.
Kinumusta nila ako. Si Mam naman ay kinapa-kapa ang noo at leeg ko. "Makakapasok ka na bukas?'' tanong ni Mam Valbuena.
"Opo, Mam. Hindi na po mabigat ang ulo ko."
"Mabuti kung ganun.."
Marami pang tanong si Mam na tungkol sa pagkakasakit ko. Lahat ko naman nasagot ang tanong niya. Tapos, hindi na siya nagtagal. Nagpaalam na siya. Sumama na rin ang mga kaklase ko.
"Ang taray naman ng Riz na 'yun!" sabi ni Dindee, pagkaalis ng mga bisita ko."Grabe makataas ng kilay sa akin. Muntik ko na ngang sabunutan, e.."
"Ganun talaga 'yun.."depensa ko.
"Pinagtatanggol.."
"Hindi naman sa pinagtatanggol..."
"E, ano pala?"
Tumawa ako. Na-corner niya ako. Ano nga ba? Wala akong naisip na rason. Siguro nga, pinagtatanggol ko lang.
"Di ka makasagot.. Hmp! Maka-idlip na nga lang.."
Tinext ko si Riz, pagkaalis ni Dindee. Sabi ko: "Thnx 4 vsiting me.. I appreciate ur effoRt. :)"
"weLcmE" reply naman ni Riz.
"GeT well soOn." pahabol niya.
:) sabi ko naman.
No comments:
Post a Comment