Followers

Monday, July 14, 2014

Hijo de Puta: Bente-siyete

Bago ako naligo para pumasok sa Xpose Bar, tinawagan ko muna si Paulo. "Musta na?'’

"Mabuti naman, Hector. Ikaw?"

"Ayos lang! Kumusta si Lianne? Anong balita?"

"Ayun.. naghahanap pa rin ng trabaho. Natuwa siya dun sa perang ipinahiram ko kunwari. Makakatulong daw ‘yun ng malaki."

"Ah, mabuti kung ganun.. Sige, salamat. Baka nakakaistorbo ako sa'yo."

''Hindi naman. Ok lang. " 

"Sige na..Pasok na ako. Thanks uli. Text mo lang ako kung may kailangan pa ang kaibigan mo.. na mahal ko na."

Natawa si Paulo. "Ang taray ng statement mo! Panalo! Kinabog ako dun, ah. Ang haba talaga ng hair ng friendship ko!"

Mas natawa ako sa mga sinabi niya. "Pwede ko kaya siyang ligawan?"

"Oo naman! Since, first year college kami, hindi na yun nag-jowa."

"Bakit?"

"Niloko ng BF niya.. Nadala! Wala na kayang tiwala yun sa mga lalaki. Mabuti nga babae na ako.."

"He he. Hayaan mo, ipaparamdam at ipapakita ko sa kanya na hindi lahat ng lalaki ay manloloko.."

"Taray ulit!"

"Oo! Maganda ang intensiyon ko sa kaibigan mo. Sana matulungan mo ako.."

"Dapat lang, noh! Kung hindi..."

"Kung hindi, ano?"

"Kung hindi.. sa akin ka babagsak. Joke!"

Natawa ako."O, sige na.. Mali-late na ako. Bye na."

"Sige na nga, Baboosh. Ingat ka!"


Alas-singko bente-siyete na. Nagmadali akong lumabas ng bahay.

No comments:

Post a Comment

Elias Maticas 6

“Lolo Leo!” tawag ni Elias sa lolong pasakay na sa traysikel ng ama.   Napalingon si Lolo Leo, gayundin ang ama ni Elias, si Papay Olive...