Followers

Tuesday, July 15, 2014

Red Diary 101

Kikiam


Maaga akong nagising kahit napuyat ako kagabi sa kaiisip kay Dindee. Gusto ko na silang mahalin. Gusto ko na siyang ligawin. Tutal hindi naman ako pinapansin ni Riz. Lagi rin naman siyang nagseselos.

Tama! Mamaya, pag-uwi ko, sisimulan ko na.

Nag-concentrate na ako sa lesson. Humahataw si Riz. Akala niya siguro ay mag-lie-low ako dahil hindi niya ako pinapansin. Mas lalo ko ngang gagalingan dahil dun. Ipapakita ko na kanya na handa akong makipag-compete.

Napuri ako sa Math dahil ako lang ang may lakas ng loob na mag-explain ng process ng pag-solve. Pinapunta ako sa unahan upang ipaliwanag ang nalalaman ko. Nakita ko naman ang mga mata ni Riz na nang-aasar.

Naisip kong asarin siya lalo.

Uwian. Isa ako sa mga cleaners kaya, nahuli ako ng labas. Hindi cleaner si Riz kaya di na kami nagkasabay palabas. Pero, pagkatapos kong maglinis, naabutan pa namin sila ni Romeo sa labas ng school. Nanginginain ng fishball. Tiyempo naman na parating si Michelle. Naisakatuparan ko ang plano kong asarin si Riz.

Nang binati ako ni Michelle, binati ko rin siya. Kitang-kita at dinig na dinig kami nina Riz. Inalok ko siyang mag-kikiam kami. Tumabi naman ang mag-BFF nang nagtutusok na kami. Nakita kong inirapan ng dreamgirl ko ang babaeng kinasangkapan ko para asarin siya.

Ayos! Effective ang pang-aasar ko. Lalong nainis sa akin si Riz. Hindi niya lang maparinggan si Michelle kasi alam niyang palaban ito at walang inaatrasan. 

Nag-enjoy ako sa kikiam pero hindi kay Michelle. Malayong-malayo siya kay Riz..

No comments:

Post a Comment

Elias Maticas 6

“Lolo Leo!” tawag ni Elias sa lolong pasakay na sa traysikel ng ama.   Napalingon si Lolo Leo, gayundin ang ama ni Elias, si Papay Olive...