Pumasok na ako. Although, may nararamdaman pa akong bigat sa ulo ko ay pinilit kong mag-okay-okayhan para papasukin ako ni Daddy. Pinigilan naman ako ni Dindee pero wala siyang nagawa nang naligo na ako ng maligamgam.
Sa school, balik na ako sa pagiging active sa class participation. Walang sakit-sakit pagdating sa pagsagot sa mga tanong at quizzes. Kailangan ko talaga kasing makuha ang first honors slot.
During recess. Kinausap ako ni Riz. Nag-one-on-one kami. First time siyang nag-initiate ng ganung conversation.
"Hindi ko sinabi sa text kagabi na naiinis ako sa'yo.." pagsisimula ni Riz. Magkasalubong ang mga kilay niya, pero maganda pa rin siya. Halos, duruin pa ako sa inis niya.
"Ooops! Teka..teka..Ano na naman ang ginawa ko? May sakit ako kahapon? Nakita mo naman?"
"Hindi yun!! Kapal din naman pala ng apog mong magparamdam sa akin.. eh, nag-aalaga ka pala ng ahas sa bahay mo!! Hmp! Dumistansiya ka sa akin.." Umalis na siya, naiwan ako sa pasilyo.
Si Dindee ang ahas na tinutukoy niya. Gusto kong matuwa at mainis. Nagseselos kasi siya. Tapos, ramdam na pala niya ang pagpaparamdam ko. Ayos! At least, marunong na pala akong manligaw. Yuhoo!
Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko, hanggang sa daanan ako ni Sir Briones. "O, Red.. anong nangyari sa'yo at nakaistatwa ka dyan?"
"Ah, wala po, Sir. Inaalala ko lang po kong saan ko naiwan ang ballpen ko." Palusot ko.
Hindi nga ako lumapit kay Riz kasi para na siyang Angry Bird. Tapos, nakikipagbulungan pa siya kay Roma. Nakakatuwa naman sila. Pinag-uusapan nila ako at ang ahas na alaga ko.
No comments:
Post a Comment