Followers

Tuesday, July 15, 2014

Double Trouble 7

DENNIS' POV

Pagkatapos kong gawin ang mga assignments namin, nilapitan ko uli si Denise. Hawak ko ang mga notebooks ko. "Denise, kopya ka na, o!"

Nagulat pa siya nang makita ako.

"Bakit `di ka man lang kumakatok? Mahirap ba `yon?" singhal niya sa akin.

"Sorry. Nakalimutan mong i-lock, e..."

"Kahit na!"

"E, ikaw... Bakit suot mo `yang t-shirt ko?"

"A, ito ba? Wala na kasi akong masuot. Ang init pa. Pahiram, a." Biglang kumambiyo ang kapatid ko.

"No probs. O, heto... kopya ka na lang. Pag-aralan mo pagkatapos para `pag tinanong ka, may maisasagot ka man lang." Tumalikod na ako, pagkalapag ko sa kama niya ng mga kuwaderno ko.

"Teka! Sinasabi mo ba, Kuya... na hindi ko kayang gawin ang mga assignments natin?"

Bumalik ako. "Nagmamagandang loob lang ako, kapatid kong maganda! Huwag mo nang masamain. Pareho tayo ng apelyido. Kambal pa. Kung matalino ako, sana matalino ka rin. Napapahiya ako, e!"

"Yabang mo naman talaga, Dennis the Nerd!" Tumawa siya. Akala niya galit ako. "DOTA na lang tayo."

"Oo, alam ko, expert ka roon, pero sige! Ngayon na?"

"Sure!"

Nagkasundo kami sa DOTA. Although, first time kong maglaro, na-enjoy ko. Madali lang naman pala. Talo niya ako, pero ayos lang. Ang mahalaga, nagkasundo kami ng kapatid ko. Ayaw ko kasing nagagalit siya sa akin. Kailangan ko na siyang pakibagayan, simula ngayon.


No comments:

Post a Comment

Elias Maticas 6

“Lolo Leo!” tawag ni Elias sa lolong pasakay na sa traysikel ng ama.   Napalingon si Lolo Leo, gayundin ang ama ni Elias, si Papay Olive...