Followers

Saturday, July 12, 2014

Double Trouble 4

DENISE' POV

Nakakainis! Nakita ko si Dennis at kung paano siya natuwa habang pinapagalitan ako. `Tapos, pinuri na naman siya at ikinumpara sa akin. Wala na talaga akong nagawang tama at maganda. Minsan, gusto ko nang magrebelde at maglayas.

Nasa kuwarto lang ako, mula nang dumating ako from school. Hihintayin ko na lang ang 'last supper' ko. Huhusgahan na kasi ako mamaya, kasama si Papa.

Nakatulog ako ng isa't kalahating oras. Nagising lang ako nang tinawag ako ni Kuya, ni Dennis Sipsip. Hindi ko siya pinansin. Binangga ko pa nga kasi hahara-hara sa pintuan. Dumiretso ako sa hapag.

"Kain na... Upo na riyan." Si Papa ang nagsalita. Mukhang hindi pa niya alam na kakatayin ako tonight.

"Pray na, Dennis," utos naman ni Mama sa magaling kong kapatid. Hmp! Patawarin po Ninyo ako Diyos ko. Patawarin rin po Ninyo ang kapatid ko sa kaniyang masamang pag-uugali.

Sabay-sabay kaming nag-amen, pero wala akong naintindihan sa panalangin ni Sipsip. Lumantak na ako ng kain kasi alam ko gugutumin ako mamaya `pag sinermunan na ako.

Pero, natapos na kaming lahat-lahat, hindi naman nagsalita ang mga magulang ko. Kahit si Kuya Dennis ay hindi rin nagdaldal. Himala! Mukhang napurnada ang final verdict sa akin. Parang mas kinabahan tuloy ako.

At bilang ganti, ako ang nagkusang maghugas ng mga pinagkainan. Hindi na rin umepal ang kapatid ko. Iniwanan nila ako sa kusina, samantalang silang tatlo ay nasa sala na. Nakakaiyak...


No comments:

Post a Comment

Lakad na!

  Lakad na!     Kung kaya namang lakarin ang lugar na pupuntahan, huwag nang sumakay dahil ang paglalakad ay maraming benepisyo sa kat...